• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 5th, 2025

Hiling ng transport groups kay PBBM, CTPL insurance coverage dagdagan  

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanawagan ang mga transport group sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas ang halaga ng insurance coverage sa ilalim ng Compulsory Third Party Liability (CTPL) na binabayaran ng mga motorista sa rehistro at renewal ng kanilang sasakyan, kasunod ng trahedyang naganap sa SCTEX toll plaza sa Lungsod ng Tarlac na ikinasawi ng hindi bababa sa sampung katao.

Kasunod ng karambola ng mga sasakyan na nag-ugat sa isang bus na nawalan ng kontrol noong Mayo 1, tiniyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na magtatrabaho siya nang doble para maiproseso at maibigay agad ang insurance benefits sa lahat ng biktima.

Ayon sa pahayag ng LTFRB, inatasan na ni Chairman Guadiz ang Passenger Accident Management and Insurance Agency (PAMI) na agad iproseso at ipamahagi ang insurance claims sa mga biktima ng naturang aksidente.

Ngunit habang sigurado ang 33 nasugatang pasahero ng bus na makakatanggap ng insurance mula PAMI na nasa halagang P100,000 medical expenses bawat isa, hindi saklaw nito ang mga nasugatang sakay ng dalawang pribadong sasakyan.

Dagdag pa rito, kahit umaabot sa P400,000 ang insurance coverage mula sa PAMI para sa bawat nasawing pasahero ng mga pampublikong sasakyan, hindi ito saklaw ng walong namatay na sakay ng Nissan Urvan at dalawang nasawi mula sa KIA Sonet sa aksidente sa SCTEX noong Mayo 1.

Ito ang nais ipanawagan ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) na pinangungunahan ni Melencio “Boy” Vargas, kasama ang iba pang transport groups, sa administrasyong Marcos. Aniya, dapat pangunahan ng Insurance Commission ang pagsasaayos nito upang makinabang ang milyon-milyong gumagamit ng kalsada.

Ayon kay Vargas, matagal na nilang adbokasiya kasama ng iba pang transport groups ang pagsusulong ng makatarungang insurance benefits, lalo na’t araw-araw nasa kalsada ang kanilang mga miyembro at batid na nila ang mga suliraning kaakibat ng pagkuha ng insurance claims.

Isa pa sa mga isinusulong ng ALTODAP at ng iba pang transport group ay ang pagpapabilis ng proseso ng insurance claims sa tuwing may aksidente sa kalsada.

Ayon kay Vargas, ang Katipunan Flyover accident at ang kamakailang trahedya sa SCTEX ay dapat maging wake-up call para sa pamahalaan upang tugunan ang mga hinaing ng mga gumagamit ng kalsada.

“Mas maganda siguro na maaksyunan ito ngayon buwan bilang regalo ng administrasyong Marcos sa mga Pilipino dahil celebration ng Road Safety Month tayo ngayong buwan ng Mayo,” pahayag ni Vargas. (PAUL JOHN REYES)

“For anyone who loves the original ‘Jurassic’ films, this one is for you.”  Watch the evolution of a timeless classic in new “Jurassic World Rebirth” featurette

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AD_4nXejWWvaJxxEIxza4WUnE90Qyoqw2ecYQv1xGhS58jzcubxSttug-j8xH_PW4veY_L2zJHVZlzCKK3IW1w5h8k2zTea_eQQeUJpINvXmTJ7nHU2LPFeIadypZcyDN70QQzGjLuap.jpeg

THE enduring appeal of the Jurassic films is the main inspiration for the newest installment in the franchise, Jurassic World Rebirth. “It’s called Rebirth. It harkens back to the first film. It’s a survival story,” explains Scarlett Johansson, who plays covert operations expert Zora Bennett in the film.

Check out the featurette: https://youtu.be/goWTKnZSkJI

In Jurassic World Rebirth, a skilled team of experts are on a top-secret mission to secure genetic material within the DNA of dinosaurs across different environments. When an accident strands them on a forbidden island, once housing an undisclosed research facility for Jurassic Park, they come face-to-face with a shocking discovery hidden from the world for decades. The film also stars Jonathan Bailey and two-time Academy Award winner Mahershala Ali.

A new era is born as Jurassic World Rebirth arrives in the Philippines on July 2.  Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.

About Jurassic World Rebirth

A new era is born. This summer, three years after the Jurassic World trilogy concluded with each film surpassing $1 billion at the global box office, the enduring Jurassic series evolves in an ingenious new direction with Jurassic World Rebirth.

Anchored by iconic action superstar Scarlett Johansson, Emmy and SAG nominee Jonathan Bailey and two-time Oscar® winner Mahershala Ali, this action-packed new chapter sees an extraction team race to the most dangerous place on Earth, an island research facility for the original Jurassic Park, inhabited by the worst of the worst that were left behind. Also starring acclaimed international stars Rupert Friend and Manuel Garcia-Rulfo, the film is directed by dynamic visualist Gareth Edwards (Rogue One: A Star Wars Story) from a script by original Jurassic Park screenwriter David Koepp.

Five years after the events of Jurassic World Dominion, the planet’s ecology has proven largely inhospitable to dinosaurs. Those remaining exist in isolated equatorial environments with climates resembling the one in which they once thrived. The three most colossal creatures across land, sea and air within that tropical biosphere hold, in their DNA, the key to a drug that will bring miraculous life-saving benefits to humankind.

Jurassic World Rebirth is directed by BAFTA winner Edwards from a script by Koepp (War of the Worlds), based on characters created by Michael Crichton. The film is produced by Oscar® nominee Frank Marshall and Patrick Crowley, both longtime Jurassic franchise producers and of last summer’s blockbuster, Twisters. The film is executive produced by Steven Spielberg, Denis L. Stewart and Jim Spencer.

(ROHN ROMULO)

May mga pelikulang tinanggap na 1,000 a day lang: EPY, full support kahit sa mga baguhan at indie filmmakers

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

FULL support si Epy Quizon kahit sa mga baguhan at indie filmmakers na tulad ni direk Gayle Oblea.

Bakit ganoon na lamang ang pagtulong niya sa mga ito?
“Siguro ang pinakamagandang tanungin niyo diyan yung mga nakatrabaho kong producers at directors.
“I mean, especially yung mga unang Cinemalaya? Alam ng mga producers at directors yan, tandaan niyo ang Cinemalaya magkano lang ang grant?
“So para umarte ka sa Cinemalaya, magkano lang ang ibabayad sa iyo, kung ano lang yung kaya ng mga filmmakers nun.
“Meron akong mga pelikulang tumanggap ako 1,000 a day, ang shooting namin sa Tarlac, e toll pa lang ubos na yun e, di ba?
“I mean, filmmaking of course it’s my bread and butter, kaya mahirap din sabihin na gumagawa ako ng pelikulang hindi ako tumatanggap ng pera, pero may mga pelikula kang ginagawa mo for the love, for the art, for the…dahil alam mong hindi rin kaya ng filmmaker, tulong mo yun sa filmmaker.
“Actually, yung ginagawa ko tulong yun sa mga filmmakers na mga aspiring, especially like yung mga pelikulang short film.
“Ang short film naman kasi how does the producer get their money back? They don’t know, it’s hard to get… saan mo ibebenta ang short film?
“Hindi siya full-feature film na puwede mong ipalabas sa sinehan, hindi din naman siya bibilhin ng Netflix, short film e, short format, so wala siyang money-back.
“So as a filmmaker myself, at tama yung ginagawa, ano tawag dun?
“Advocacy ang tawag dun, this is an advocacy film and mahirap maningil sa advocacy film, mahirap presyuhan yung ginagawa mo for advocacy, mahirap lagyan ng presyo yung, ‘Ah bayaran mo ako ng sampung libo or bente mil!’
“Ang hirap presyuhan.
“Tapos kinabukasan sasabihin mo, ‘Panoorin niyo kasi advocacy namin ‘to’, di ba?
“So there are films na ginagawa mo dahil sa tulong, dahil alam mong wala namang… ngayon kung may budget naman yung pelikula, magbayad naman kayo ng tama, para rin matulungan din kaming mga filmmakers.”
Isa sa si Epy sa mga cast members ng short film na “As The Moth Flies” ni direk Gayle.
Official entry ito sa 1st Famas Short Film Festival na may screening simula May 3 hanggang 9, sa Victoria Sports Cinema sa Quezon City.
Produced ng Creative Kartel, Happy Manila, Desi Matters, at Rav Singh, nasa “As the Moth Flies” rin ang indie actors na sina Mina Cruz at Boo Gabunada.
Ang 1st FAMAS Short Film Festival ay inorganisa ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences at  pinamahalaaan ng festival director na si Gabby Ramos at FAMAS president Francia Conrado.
Ang awards night ay sa May 10 sa Music Museum presented by REMS Entertainment.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Paborito nila ang ‘Totoy Bato’ na TV series na: CJ at PEACH, nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng ama na si Direk CARLO

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KALAKASAN pa noon ng namayapang si Direk Carlo J. Caparas ay nakipag-collab na ito kay Boss Vic del Rosario.
Ibinilin na rin niya ang mga anak niyang sina CJ at Peach na sila ang mamahala ng sa mga nasulat at idinirek na pelikula ng ng kanilang ama under Golden Lion Films International.
“Lahat po ng naibilin sa akin (ng tatay niya) ay naibilin na rin sa mga may hawak ng plans which is we have been set to do this side by side with Viva ever since 2018, so, hindi lang po ako ang nagma-manage kundi kasama ko rin po si boss Vic, collab po with Caparas maliban po sa Panday at lahat po ay tie-up naming sa Viva,” kuwento ni Peach sa nakaraang mediacon ng ‘Totoy Bato’ na papalit sa ‘Lumuhod ka sa Lupa’.
Dagdag pa ang mga super-heroes sa Caparas verse ay collaboration na rin ng Viva simula rin noong 2018 at nakalatag na raw ang mga susunod na proyekto.
Dalawa raw ang ka-collab ng Caparas kids bukod sa Viva ay kasama rin si Senator Bong Revilla, Jr na siyang nakakuha ng ‘Panday’ at nakalatag na rind aw ito dahil maraming bersyon itong gagawin.
Aminado namang nagluluksa pa ang magkapatid dahil sa pagkamatay ni Direk Carlo at mag-iisang taon palang ito sa Mayo 25.
“We’re still grieving not just me, kundi buong Pilipinas still grieving a legend, so, ang binilin po ng daddy naming ay sundan ang lahat ng plano na inilatag namin together,” sey ni Peach.
Inaming maraming bilin si direk Carlo sa mga anak pero hindi na binanggit ng bunsong anak ang puwede lang niyang i-share ay, “ipinapaalala niya sa akin kung saan ako dapat mag-ingat (binanggit ng nag-interview kung sino ang pagkatiwalaan), puwede, Pinoy Henyo tayo puwede, ha, ha, ha.”
At tungkol naman sa ‘mana’ thing ay hindi diretsong sinagot ni Peach kung ano ang iniwan sa kanila ng ama pero nabanggit niya na legendary ang ama, kaya legendary rin ang mga naiwan nito at para sa future ng nilang magkapatid.
Sa rami ng projects ni direk Carlo ay isa ang ‘Totoy Bato’ sa paboritong proyekto ni Peach.
“Sobrang ganda ng Totoy Bato when I watched it kasi po tungkol na ito sa nakita n’yo naman kung paano lumaki si Toto Bato, sobrang malupit sa kanya ang tatay niya kaya bale naging pusong bato na rin po siya.
“Saka 1976 palang, napu-push na ni daddy ang culture ng generational gaps and trying to bridge those gaps and ano ang mga trauma na nai-impart ng mga magulang natin at paano natin mai-impart sa mga anak natin, 1976, so, Totoy Bato is close to my heart, very close to my heart,” pahayag ni Peach.
Mapapanood na ang ‘Totoy Bato’ na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, simula ngayong gabi (7:15 p.m.), Lunes hanggang Biyernes, sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 pagkatapos ng ‘Frontline Pilipinas.’
 
(REGGEE BONOAN)

Isa sa unang nakiramay sa pagpanaw ng actor-director: ZSA ZSA, binalikan ang masasayang alaala sa ‘brother’  na si RICKY

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA si Divine Diva Zsa Zsa Padilla na unang nakiramay sa pagpanaw ng aktor at direktor na si Ricky Davao.
Sa kanyang Facebook post noong May 2, sinimulan niya ito ng…
“I don’t know anyone who wasn’t a friend of Ricky Davao. He was everyone’s buddy!”
Pagbabalik-tanaw pa ni Zsa Zsa sa masasaya at hindi malilimutan tungkol sa namayapang aktor, “I had the joy of working with Ricky in Familia Zaragoza where we played siblings—since then, I’ve always fondly called him “Brother.” In 1997, he became Tony Javier to my Paula Marasigan in the stage adaptation of Larawan, staged at the CCP. We did a total of ten shows, working closely together during that time.
“Whenever we’d run into each other, we’d always recall those cherished moments. The last time I saw him, we were celebrating a birthday from our group chat—just like always, full of laughter and warm memories.
“So now, hearing of the passing of another artist makes my heart grow heavy. Ricky was a very good actor—dedicated and professional. I didn’t have scenes with him in Cattleya Killer, but I saw him in the lobby of our designated hotel. As always, we had that instant connection and took time to chat before heading to work.”
Dagdag pa ng singer-actress, “Ricky is a great loss to the movie industry. His presence will be missed on stage, television, and in the movies.
“May you rest in peace, Brother. My deepest condolences to all the loved ones left behind. And thank you for the joy you brought in every role you portrayed—on stage, on television, and in film.
Labis din niyang ikinalungkot ang pagpanaw nina Hajji Alejandro at Pilita Corrales, at ganun din kay Superstar Nora Aunor.
“Sabi ko, ‘Bakit ganun? Parang nagsusunud-sunod naman yung mga performers, mga singers,’ and nakakalungkot talaga, Sabi ko, ‘Nakakapraning, e!’ Alam mo na, nagkasunud-sunod naman kasi din,” pahayag niya.
Samantala, ipagdiriwang ni Zsa Zsa ang 42nd anniversary niya sa showbiz sa pamamagitan ng concert na Zsa Zsa: Through The Years sa Mayo 17, 2025, Sabado, sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati City.
***
BUMISITA at nagbigay kurtesiya ang grupo ng Quezon City Parents-Teachers Association (QCPTA) sa tanggapan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio nitong Lunes, Abril 29, para talakayin ang posibleng kolaborasyon para sa responsableng panonood.
Sa kanilang dayalog, nagpahayag ng interes ang QCPTA sa pagsasagawa ng mga serye ng “Responsableng Panonood” seminars, ang pangunahing programa ng MTRCB na dinisenyo para tulungan ang mga magulang na magabayan ang mga bata sa paggamit ng media at maintindihan ang kahalagahan ng angkop na content.
Napag-usapan din ang pusibilidad ng pagpapalabas ng mga klasikong pelikula sa mga estudyante ng Lungsod Quezon.
Planong isagawa ang mga ito sa iba’t ibang distrito ng Lungsod Quezon, sa pakikipagtulungan ng mga lokal na paaralan.
Binigyang-diin ni Sotto-Antonio ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kaalaman ng mga magulang at nakatatanda sa responsableng paggabay sa mga kabataan lalo na’t malawak na ang paggamit ng media sa ating panahon.
“Malaki ang impluwensya ng media sa paghubog ng pag-uugali ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng kolaborasyon ng MTRCB at QCPTA, nais nating maipabatid na ang responsableng panonood ay nagsisimula sa tahanan at mapapalawak pa hanggang sa mga komunidad,” sabi ni Sotto-Antonio.
Nagpasalamat ang QCPTA sa MTRCB dahil sa mga programa nito na pusibleng makapagpatibay sa relasyon ng bawat pamilyang Pilipino at maiangat ang kamalayan ng mga magulang, guro at estudyante pagdating sa mga klasikong pelikula
Patuloy namang tinitiyak ng MTRCB ang mas pinalakas pang pagsusulong ng “Responsableng Panonood” bilang misyon ng Ahensya na masiguro ang isang ligtas at masayang panood ng pamilyang Pilipino.
(ROHN ROMULO)

Poppovich bumaba na bilang head coach ng Spurs

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INANUNSIYO  ng San Antonio Spurs ang pagbaba sa puwesto ng kanilang beteranong coach na si Gregg Popovich.
Ayon sa koponan na ang 76-anyos na coach ay magiging president of basketball operations ng koponan.
Kasabay din nito ay inanusiyo ng Spurs ang bagong coach nila sa katauhan ni Mitch Johnson.
Sinabi ni Poppovich na kahit na labis ang pagmamahal niya sa laro ay nagpasya ito na bumaba sa puwesto.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon kasi ay dumanas ito ng mild stroke at hindi na bumalik sa mga laro ng Spurs.
Pinasalamatan nito ang mga manlalaro, opisyal at mga fans ng Spurs dahil sa walang sawang suporta.
Si Poppovich ay three-time NBA coach of the year na pinangunahan ang Spurs ng limang championships at siya rin ang naging coach ng USA Basketball para makuha ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

Mahigit 900 delegado ng Western Visayas, lalahok sa Palarong Pambansa 2025

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AABOT  sa 965 delegado mula sa Western Visayas ang lalahok sa Palarong Pambansa 2025 na gaganapin sa Ilocos Norte, ayon sa Department of Education (DepEd) Region 6.
Sa pahayag ni DepEd-6 spokesperson Hernani Escullar Jr., binubuo ang delegasyon ng 605 atleta, 87 coaches, 24 assistant coaches, 40 chaperons, at 209 miyembro ng technical working group.
Itinuturing na kakaiba ang delegasyon ngayong taon dahil sa pamumuno ng dalawang regional directors – sina Director Ramir Uytico at Director Cristito Eco – na maghahati sa pamamahala sa buong grupo.
Ayon kay Escullar, ito ay isang natatanging pagkakataon na inaasahang magbibigay ng lakas at inspirasyon sa mga koponan.
Bagama’t nabuo na ang Negros Island Region (NIR), kinumpirma ni Escullar na mananatiling bahagi ng delegasyon ng Western Visayas ang mga atleta mula sa Bacolod City at Negros Occidental ngayong Palarong Pambansa 2025.
Ipinahayag din niya ang kumpiyansa ng rehiyon na makalamang laban sa powerhouse na rehiyon na National Capital Region (NCR), lalo’t bahagi rin ng delegasyon si Director Eco na mula mismo sa NCR.
Inaasahang sa Mayo 17, nakatakdang bumiyahe ang mga delegado patungong Ilocos Norte.
Habang isasagawa ang registration at orientation ng mga technical officials sa Mayo 20, at nakatakda naman ang solidarity meeting sa Mayo 23, kasunod ang opening program sa Mayo 24, 2025.

Press freedom sa Pinas, nag-improve subalit ang global state ng mga mamamahayag, bumagsak sa ‘difficult’ sa kauna-unahang pagkakataon

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HABANG nananatiling nakababahala ang ‘economic difficulties at pag-atake sa mga mamamahayag, tumalon naman ang Pilipinas 116th mula sa 134th, ito’y mula sa 180 bansa sa 2025 World Press Freedom Index — ito ang pinakamataas na ranking sa loob ng 21 taon.

Nakatanggap ang bansa ng global score na 49.57, bahagyang mas mabuti kaysa sa 43.36 noong nakaraang taon, but nananatiling nasa ilalim ng “difficult situation”, ayon sa Paris-based Reporters Without Borders (RSF) sa report nito.

“The country is still ranked as a country of ‘difficult situation’ and the main reason for the improvement is due to improvement of the safety indicator. Actually, the Philippines is the deadliest country for journalists in Asia Pacific with almost 200 journalists killed in the last 40 years,” ayon kay RSF Asia-Pacific Bureau advocacy officer Arthur Rochereau.

“But 2024 marked the first year since 1985 in which no journalist was killed in connection to their work… The fact that there is no murder of journalist and also the [Marcos Jr.] administration is less aggressive towards the media compared to Duterte administration,” dagdag na wika nito.

Ang paliwanag pa ni Rochereau, habang ang situwasyon sa Pilipinas ay nakakuha ng bahagyang pagbuti, mananatili pa ring mahaharap ang mga Filipino journalists sa kaso ng legal harassment, physical attacks, economic challenges, at red-tagging.

Sinabi pa ng RSF na ang kaparehong assessment sa report noong nakaraang taon ay nagsasabing, “there seem to have been fewer and less violent attacks” laban sa mga journalists sa ilalim ng rehimeng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. subalit sa ngayon nananatiling status quo ang “pagkabahala”.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na taong 2024, nagmarka ang unang taon sa dalawang dekada na walang miyembro ng mamamahayag ang pinatay sa bansa na may kaugnayan sa kanyang propesyon.

Gayunman, ang kamakailan lamang na journalist killing sa bansa ay nito lamang unang bahagi ng linggo.

Araw ng Martes, Abril 29, binaril ng tatlong beses ang Aklan-based veteran journalist at dating Kalibo town mayor na si Juan “Johnny” Dayang ng hindi nakilalang gunman o mamamaril sa labas ng kanyang bahay.

Idineklara namang dead on arrival si Dayang.

Binigyang diin ng RSF World Press Freedom Index na ang situwasyon ng press freedom sa bawat bansa o teritoryo kada taon sa pamamagitan ng indicators gaya ng ‘political, economic, legislative, at safety.’

Habang ang Pilipinas ay umakyat sa 18 spots, ang average score ng lahat ng assessed countries ay bumagsak mas mababa sa 55 puntos o sa “difficult” na sitwasyon.

Ang bansa ay tumaas lamang ng 6.2 puntos, nagpapahiwatig na marami pang dapat gawin para protektahan ang mga Filipino journalists.

Kinilala rin ng RSF ang kaparehong problema ng red-tagging laban sa mga journalists na nagpatuloy mula sa termino ni dating Pamgulong Rodrigo Duterte, kung saan sinabi ng media monitor na ang puntirya ay ang mga mamamahayag na nagu-ulat hinggil sa drug war, hanggang kay Pangulong Marcos.

“The policy of his successor, Bongbong Marcos, is more consensual, but the authorities still often resort to ‘red-tagging’ – a practice inherited from the colonial era and Cold War in which journalists who do not toe the government line are branded as ‘subversive elements’ or ‘reds,” ang sinabi nf RSF sa regional analysis nito ukol sa Pilipinas.

Sinabi nito na ang labeling “is tantamount to telling law enforcement that they are legitimate targets for arbitrary arrest or even summary execution.”

“Along with threats and red-tagging, “defamation and cyber-defamation are still punishable by prison sentences,” anito.

Sa World Press Freedom Index ngayon taon, 20 mula sa 32 bansa at mga teritoryo sa Asia-Pacific region ay nagkaroon ng pagbaba sa economic scores. Kabilang dito ang India, Indonesia, at China na na muling pumasok “the bottom trio of the index” nauna lang sa North Korea.

“Repression already put press freedom in “very serious” situation in Myanmar, Cambodia, and Hongkong where “everywhere in the region, media in exile are facing survival threats.” ayon sa RSF.

(Daris Jose)

‘No down-payment at zero interest’ na electric jeepney para sa mga Pinoy Driver alok ni Manong Chavit

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINISIMULAN na ang paggawa ng electric jeepney sa planta nito sa Lima, Malvar Batangas na  proyekto ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson para sa mga Pinoy Driver.

Ang naturang jeepney ay pasok sa standard ng pamahalaan sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ayon kay Singson, ginaya ang proto type jeep sa lumang pampasaherong jeep sa Pilipinas kung kayat ang nakagawian pa rin ang magiging disenyo.

Ang kagandahan pa nito, walang ibibigay na down-payment at zero interest upang matulungan ang mga tsuper at operators.

Nakikipag-ugnayan na ngayon si Singson sa mga transport group tulad ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOPF, ALTODAP, PASANG Masda at iba pa.

Nais ni Manong na maging financially accessible sa mga jeepney operator ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ang mga Pilipinong drayber at komyuter, magtitiis hangga’t kaya para sa kanilang pamilya at pangarap. Ngunit hindi ito dapat mangahulugan na isasantabi na din muna ang pagtugon sa mahirap na biyahe ng ating mga kababayan araw-araw.

Ang inisyatiba ni Senatorial Candidate Chavit Singson: maglunsad ng mga modernong e-jeepney– isang makabuluhang hakbang tungo sa mas komportable at makabagong sistema ng transportasyon sa Pilipinas.

Layon ni Manong Chavit na palitan ang mga lumang jeep nang makabago, world-class, at gawang Pinoy na e-jeepney–mas maluwag, may air-conditioning, at dinisenyo upang magbigay ng presko at komportableng biyahe para sa mga komyuter, lalo na para sa mga masisikip at mahahabang ruta.

Hindi tatakbo sa krudo ang mga e-jeep, kaya mas malaki ang iuuwing kita ng mga drayber sa kanilang pamilya. Bukod sa ginhawang dala nito sa bulsa ng mga drayber, magiging eco-friendly na din ang hari ng kalsada. Walang usok, walang ingay. Sa pamamagitan ng proyektong ito, magiging bahagi ng solusyon sa problema sa polusyon ang bawat komyuter at tsuper sa bawat byahe. Malinis na hangin at tahimik na lansangan para sa lahat.

Ang pagpapatupad ng mga makabagong solusyon sa mga hinaing sa transportasyon tulad ng e-jeepney ni Chavit ay hindi dapat maging pabigat sa mga unang maaapektuhan nito–ang mga e-jeep na nagkakahalaga ng P1.2 milyon, maaaring makuha nang walang downpayment, walang collateral, at walang karagdagan interes–talagang abot-kaya.

Para kay Singson, ang e-jeepney initiative ay hindi lamang isang proyekto kundi isang tunay na solusyon sa matagal nang problema sa pampublikong transportasyon ng bansa.

Minsan nang kusang-loob na naglabas ng milyones si Singson kahit alam niyang ikalulugi niya at ang nais niya ngayon ay matulungan naman ang mga Pilipino na marating ang kanilang mga patutunguhan nang komportable, ligtas, at may dignidad–sa araw-araw na biyahe man o sa buhay.

P20/ kg ng bigas, ‘false promise’- VP Sara

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Vice President Sara Duterte sa patuloy na panloloko ng gobyerno sa publiko matapos na ipatigil ang rollout ng P20 kada kilo ng bigas sa Cebu.

Pansamantalang sinuspinde muna kasi ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng bigas na ₱20 kada kilo sa Cebu, isang araw lamang matapos itong ilunsad noong Labor Day.

Sumunod ang DA sa utos ng Commission on Elections (Comelec) na ipatigil ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan sa panahon ng eleksyon.

Ang inisyatibong ito, na bahagi ng pangakong kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang presyo ng bigas, ay inilunsad noong Mayo 1 sa Cebu Provincial Capitol.

Pinayagan ang mga benepisyaryo—kabilang ang mga senior citizen, solo parent, at persons with disabilities—na bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas. Humigit-kumulang 500 sako ang naipamahagi sa unang araw.

Gayunman, naglabas na noon ng abiso ang Comelec na ipinagbabawal ang pamamahagi ng ayuda mula Mayo 2 hanggang Mayo 12 upang maiwasan ang pamumulitika gamit ang mga programa ng gobyerno.

“Kaya ako nakaitim ngayong araw na ito sa kampanya namin, dahil nalulungkot talaga ako, nagluluksa talaga ako kasi pinaglalaruan yung mga taong walang-wala, pinaglalaruan yung mga mahihirap,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng campaign event ng mga lokal na kandidato sa Zamboanga City.

“Hindi lang isang beses, hindi lang dalawa, paulit-ulit na sinasamantala yung desperation, hunger, and poverty sa ating bayan,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, nagpasalamat si Garcia sa Department of Agriculture sa pagpapasya nitong pansamantalang ihinto ang ₱20 kada kilong bigas upang sumunod sa assistance ban ng Comelec.

“Nagpapasalamat tayo sa ating DA na makatapos tayo ng ating suhestyon na sana May 2 to May 12 ay walang ipapatupad na pagbebenta ng ₱20 na bigas. Napakagandang programa pero sabi natin makakapaghintay naman siguro ang programang yan. Kahit na May 13 hindi na kailangan kumuha pa ng exemption sa Comelec,”

pahayag ni Garcia sa mga mamamahayag.

“Sana ‘yung kahapon, okay na po ‘yun. At least, alam na ng sambayanan na may ine-expect sila na ₱20 na bigas pagkatapos ng elections na pwede nilang mabili,” dagdag pa niya.

Ipinahayag ng DA ang kanilang dedikasyon na ipagpatuloy ang programa pagkatapos ng halalan, na layuning makapagbigay ng abot-kayang bigas sa tinatayang 800,000 kabahayan sa rehiyon ng Visayas. (Daris Jose)