NILINAW ng Department of Education (DepEd) na ang halos 19 milyong filipino na kinokonsidera bilang “functionally illiterate” base sa 2024 survey results ay nanggaling sa mas malawak na pangkat ng edad, at hindi lamang high school graduates.
Sa isang position paper, sinabi ni DepEd Undersecretary Ronald Mendoza na ang data para sa 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) na ipinresenta Philippine Statistics Authority (PSA) sa Senate basic education committee noong nakaraang linggo, talagang ipinahiwatig na 18.9 milyon na may edad na 10 hanggang 64 ay kina-klasipika bilang functionally illiterate.
Nangangahulugan aniya ito na ang mga tao ay kayang magbasa, magsulat at magkalkula subalit nahihirapan sa pang-unawa, anuman ang kanilang natamo sa edukasyon.
Binigyang diin pa rin ni Mendoza na mayroon lamang 11.6 million Junior High School at Senior High School na mag-aaral para sa School Year 2024-2025, “making it incorrect to attribute the full 18.9 million figure solely to high school graduates.”
Gayundin, tinuran din nito na kamakailan lamang ay binago ng
PSA ang depinisyon ng “basic and functional literacy, nabanggit din ang mga pamantayan ukol sa literacy o karunungang bumasa’t sumulat na isama ang high level comprehension skills.
“Previously, individuals aged 5 years old and above were classified as basic literate if they could read and write; and individuals aged 10 to 64 years old as functionally literate if (1) they could read, write, and compute, (2) could read, write, compute and comprehend, or (3) at least high school graduate in the old basic education curriculum or at least junior high school completer in the K to 12 curriculum,” ang pahayag ng DepEd .
“The 2024 revision involves more stringent criteria. Basic literates now should be able to read, write with understanding, and compute whereas functional literates should be able to read, write, compute AND comprehend,”ang sinabi pa rin ni Mendoza.
Dahil dito, tinuran ni Mendoza na ang ‘overall literacy rates’ sa bansa ay bumaba.
Bago pa ang ‘definitional changes’, binibigyang diin na ang basic literacy rates ay 95.1% habang ang functional literacy rates ay 93.1%.
Subalit sa ilalim ng revised criteria, ang mga pigurang ito ay bumaba sa 90.0% and 70.8%, ayon sa pagkakabanggit.
“Using this revised measure, the functional literacy rate is about 70.8%. Simply put, around seven out of ten Filipinos possess high-level comprehension skills to process and apply information effectively in daily life,” ang sinabi ni Mendoza.
Kasunod ng pagppalabas ng 2024 FLEMMS, muling pinagtibay ni Education Secretary Sonny Angara ang commitment ng DepEd na tiyakin na ang bawat mag-aaal sa bansa ay ‘functionally literate.’
“Hindi namin hahayaang may batang nahuhuli sa pagbasa at pag-unawa. The recent FLEMMS results on functional literacy highlight what we have long recognized—literacy must be at the heart of our education reforms,” ang winika ng Kalihim.
“Ensuring that every Filipino learner is functionally literate is a commitment we owe to our constituents,” dagdag na wika nito.
Samantala, binigyang diin naman ni DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Jerome Buenviaje ang angangailangan na i-develop ang literacy skills ng mga mag-aaral, pagdating sa kindergarten sa layon na tugunan ang nakaaalarmang situwasyon ng functional illiteracy sa hanay ng mga Filipino.
Sa kabila ng pagsisikap ng DepEd, binigyang diin ni Buenviaje na ang pagtugon sa functional illiteracy ay hindi kayang gawin lamang g ahensiya , dahil ang problemang ito ay sanhi ng ibang dahilan gaya ng mahinang nutrisyon. (Daris Jose)