
Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc
MALAKI ang pasasalamat ni Sam Verzosa na tumatakbong Mayor ng Maynila, sa kanyang girlfriend na si Rhian Ramos sa walang katapusan nitong suporta habang nangangampanya.
Tom Cruise and Alden Richards at the Seoul red carpet premiere of Mission: Impossible – The Final Reckoning on May 8.
Photo courtesy of Paramount Pictures
Seoul, May 8, 2025 – Alden Richards was a man on a mission.
The newly crowned Philippine Box Office King recently flew to Seoul, South Korea, to join the red carpet premiere of Mission: Impossible – The Final Reckoning, and there he met Hollywood superstar and action legend Tom Cruise.
“Ethan meets Ethan… I have no words!” wrote Richards on Instagram where he posted a video of his meet-and-greet with Cruise. Ethan is the name of Richards’s character in the box-office breaking “Hello, Love, Goodbye” and “Hello, Love, Again” movies. In the Mission: Impossible franchise, Cruise’s character is named Ethan Hunt.
Alden Richards shaking hands with Tom Cruise
At the film’s premiere, Richards and the other guests got to watch Mission: Impossible – The Final Reckoning with Cruise and the rest of the cast in attendance – Hayley Atwell, Simon Pegg, Pom Klementieff, Greg Tarzan Davis, as well as with director Christopher McQuarrie.
Tom Cruise and Christopher McQuarrie outside the cinema at the Seoul red carpet premiere of Mission: Impossible – The Final Reckoning on May 8.
Photo courtesy of Paramount Pictures
At the Tokyo premiere two days before, Cruise shared his excitement about the latest film in the popular Mission: Impossible series. “This film is a culmination of the last 30 years of making this franchise,” he said. “And I’m telling you, everything has led to this.”
Watch the trailer: https://youtu.be/2GRPetxj1mc
Don’t miss Mission: Impossible – The Final Reckoning, in cinemas starting Saturday, May 17. #MissionImpossible @paramountpicsph
(ROHN ROMULO)
NATAPOS na ang kampanya ni Pinay Tennis star Alex Eala sa Internazionali BNL d’Italia sa Rome.
Sports equipment
Ito ay matapos na talunin siya ni Marta Kostyuk ng Ukraine sa score na 6-0, 6-1 sa unang round ng torneo.
Dahil dito ay natapos na ang mga laro ni Eala sa WTA 1000 tournament at pinaghahandaan na lamang nito ang French Open.
Umabot lamang sa 10 minuto ang laro kung saan dominado ng Ukrainian ang laro.
Naging malakas ang world number 27 sa mga serves kaya hindi nakayanan ni Eala na nasa world number 70.
Susunod na makakaharap ni Kostyuk si Leylah Fernandez ng Canada.
KINILALA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakabagong report ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) na nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng ‘unemployed Filipino’ mula 1.94 milyon nito Pebrero hanggang 1.93 milyon sa Marso.
Sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao, DSWD’s spokesperson, na ang pagbaba sa bilang ng mga walang trabahong indibiduwal ay dahil sa “Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” job fair, isang inter-agency effort ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
“This modest drop in the number of unemployed Filipinos reflects a positive development: more Filipinos, particularly from poor households, now have stable sources of income and are more capable of putting food on the table and meeting their daily needs,” ang sinabi ni Dumlao.
“Ito ang vision ni President Ferdinand R. Marcos Jr. at Secretary Rex Gatchalian – magkaroon ng trabaho ang miyembro ng 4Ps upang masiguro na hindi na sila babalik sa kahirapan,” ang sinabi pa nito.
Ang partnership sa ibang ahensiya ng gobyerno, ang Trabaho sa Bagong Pilipinas ay nagbibigay sa mga graduating 4Ps members ng local at international employment opportunities, livelihood support, at iba pang serbiso ng mga ahensiya ng pamahalaan.
“These interventions aim to promote sustainable self-reliance and break the cycle of poverty,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
Simula nang ilunsad ito bago magtapos ang buwan ng Enero, may 12 job fairs ang nagsagawa sa buong bansa na nagresulta ng 980 4Ps members na natanggap ‘on the spot’ habang mahigit naman sa 3,000 ang waitlisted, naghihintay ng feedback mula sa mga employers o kinokompleto ang employment requirements.
Winika ni Dumlao na ang pigura ay sumasalamin sa kahandaan ng 4Ps beneficiaries na mag-avail ng government initiatives na naglalayong pagaanin ang kahirapan at pamumuhunan sa human capital.
“The DSWD is committed to ensuring that 4Ps graduates do not just leave the program but are provided access to other forms of government assistance that will sustain the level of their well-being,” ayon kay Dumlao.
Ang one-stop shop Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps ay magpapakita ng mga booths mula sa DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Statistics Authority, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Social Security System, Bureau of Internal Revenue, PhilHealth, Pag-IBIG, at Office of the President.
Sa pagpaparehistro, ang graduating 4Ps beneficiaries ay sasailalim sa isang orientation sa mga serbisyong iniaalok ng mga nagpartisipang mga ahensiya ng gobyerno.
Matapos ang orientation, ang mga miyembro ng 4Ps members ay bibigyan ng P3,000 financial assistance bawat isa para magbayad ng pre-employment requirements, kabilang na ang medical examinations, at maging ang transportation allowance.
ang DOLE ang magiging ‘in charge; sa pakikipagtulungan sa mga business establishments na kumukuha ng mga bagong empleyado habang ang TESDA ay magsasagawa naman ng upskilling training sa hanay ng 4Ps members upang masiguro na mayroon silang kailangang kasanayan para sa trabaho.
Samantala, ang DSWD’s Sustainable Livelihood Program (SLP) ay magkakaroon ng isang “Sulong Trabaho” SLP Employment Assistance Booth para i-orient ang 4Ps beneficiaries ukol sa Employment Track ng SLP. (Daris Jose)
NAGHAIN ng reklamo ang Bayan Muna Party-list at mga consumer ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa Malakanyang na nananawagan ng kanselasyon ng lahat ng joint venture agreements (JVAs) sa pagitan ng Villar family-owned private water utility firm at local water districts sa buong bansa.
Tinukoy ang malaganap na ‘service failures at legal violations.’
Sa reklamo na naka-address kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ng grupo na ang JVAs ay nagresulta ng madalas na pagkaantala ng suplay ng tubig, mahinang kalidad ng tubig, mataas na rates, at hindi tumutugon na serbisyo sa customer sa mga lugar kabilang na ang San Jose del Monte sa Bulacan, Bacolod City, Quezon, Cavite, at Bukidnon provinces.
Sinabi ng Bayan Muna na ang JVAs, karamihan ay pumasok sa administrasyong Duterte ay ‘disadvantageous’ sa publiko at lumabag sa probisyon ng Presidential Decree 198, na nagkakaloob ng operational control ng water districts sa kani-kanilang boards.
Binalaan din ito ng potensyal na paglabag sa Saligang Batas at public-private partnership regulations.
Sinasabing isang malaking pasanin ng mga consumers ang mataas na halaga sa kabila ng masamang serbisyo, sinasabing ang rates sa San Jose del Monte ay tumaas mula P280 sa P499.53 para sa unang 10 cubic meters ng pagkonsumo mula nang mag-takeover ang PrimeWater noong 2018.
Tinukoy din sa reklamo ang displacement ng water district employees at kinuwestiyon kung ang PrimeWater ay nagtsa-charge ng corporate income taxes sa consumers, isang isyu na dati ng ipinarating sa Supreme Court.
Ang apela pa rin ng Bayan Muna kay Pangulo ay magpalabas ng isang executive order na nagpapawalang-bisa sa JVAs, atasan ang Local Water Utilities Administration na kuning muli ang kontrol ng apektadong distrito at pag-utos ang ‘full investigation’ sa kasunduan.
Samantala, kinumpirma ng Palasyo ng paiimbestigahan ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. ang reklamo ng mga customer ng kumpanyang PrimeWater dahil sa umano’y mataas na singil at mababang kalidad ng serbisyo sa ilang lugar sa Bulacan.
Ayon kay Palace Press Officer USec., Claire Castro na walang puwang sa administrasyong Marcos, Jr. ang anumang kakulangan ng serbisyo.
Iginiit din ng Palasyo na karapatan ng publiko ang access sa malinis at sapat na suplay ng tubig, at hindi dapat ginagamit sa negosyo.
Sinabi ni Castro ang pangangailangan ng tao sa malinis at sapat na suplay ng tubig ay nararapat at hindi pang-negosyo, at ito ay dapat kinakalinga ang pangangailangan ng taong bayan.
Ang PrimeWater ay kumpanyang pag-aari ng pamilya Villar.
Ayon kay Castro, dapat umaksyon agad ang kumpanya para maresolba ang mga isyung inirereklamo ng mga apektadong customer. (Daris Jose)
UMAPELA ang Civil Service Commission (CSC) sa mga Pilipino na gamitin ang karapatang bumoto sa araw ng halalan (May 12).
Sa inilabas na mensahe ng komisyon, hinikayat nito ang mga Pilipino na makibahagi sa election process at maging aktibo sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.
Hinihikayat din ng komisyon ang publiko na sundin ang tamang voting procedure para masigurong maayos at mapayapa ang midterm elections.
Pinayuhan din ng CSC ang mga senior citizen, persons with disabilities, at mga buntis na agahan ang pagtungo sa mga presinto dahil sa pinapayagan na silang makaboto mula alas-5 ng umaga.
Inirekomenda rin ng CSC ang paggamit sa Comelec Precinct Finder para magiging mas madali ang pagtukoy sa mga tutunguhing presinto, kasabay ng pagpapa-alala sa paglalagay sa mga kinakailangang impormasyon tulad ng pangalan, date of birth, at place of registration.
Paalala pa ng komisyon, ang regular voting hours ay mula 7 a.m. hanggang 7 p.m kaya’t mahaba ang pagkakataon ng bawat botante na humabol sa mga votict precint at pumili ng mga kandidato.
Una na ring idineklara ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Mayo-12 bilang special non-working holiday upang bigyang-daan ang mga botante na makibahagi sa national and local elections. (Daris Jose)