• June 22, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2025

WPS fisheries pushed to assert sovereignty

Posted on: June 10th, 2025 by people's balita No Comments

INCREASING civilian activities bolsters sovereignty in the West Philippine Sea (WPS), according to Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.

“This time around, we need to change the narrative. We have to highlight the fact that WPS has a large contribution when it comes to food security of our country,” Tarriela said after the launch of the Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM) program on Wednesday.

He added this is “a positive engagement to show evidence that WPS issues are not only a concern of the coast guard, military or uniformed services.”

“This affects the ordinary Filipinos because when it comes to fish catch, a large portion comes from WPS,” he added.

Also present during the presscon was Department of Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra. (BOY MORALES SR.)

 

 

 

DAR Namahagi ng Php 116.5 Milyong Halaga ng COCROM sa Higit 2,000 ARBs sa Cagayan Valley

Posted on: June 10th, 2025 by people's balita No Comments

DAR Namahagi ng Php 116.5 Milyong Halaga ng COCROM sa Higit 2,000 ARBs sa Cagayan Valley

Ilagan City, Isabela – Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 3,242 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) na may kabuuang halagang Php 116.5 milyon sa 2,332 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Rehiyon II.

 

Pinangunahan ni DAR Undersecretary para sa Field Operations Office (FOO) Atty. Kazel C. Celeste ang seremonya ng pamamahagi sa Ilagan City, Isabela.

 

Ito ang ikalawang bugso ng distribusyon ng COCROM sa Cagayan Valley alinsunod sa Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), isang makasaysayang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Hulyo 7, 2023 na layuning burahin ang lahat ng hindi pa nababayarang amortisasyon, interes, multa, at surcharges ng mga ARB.

 

May kabuuang 3,242 COCROM ang naipamahagi sa 2,332 ARB mula sa Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya, na dating baon sa pagkakautang sa tinatayang halaga na Php 116,515,323.20. Sa bisa ng COCROM, tuluyan nang naipasa sa kanila ang buong pagmamay-ari ng kanilang sinasakang lupa na sumasaklaw sa kabuuang 2,818.52 ektarya ng lupang agrikultural.

Hndi lang isang simpleng papel ang ipinamahagi sa inyo. Ang papel na ipinagkaloob sa inyo ngayong araw na ay isang simbolo ng paglaya ninyo sa utang sa lupa,” ani Usec. Celeste.

Ang pamamahaging ito ay kasunod ng naunang bugso noong huling bahagi ng 2024 sa Cabagan, Isabela at Solana, Cagayan, kung saan 22,359 ARBs ang nakatanggap ng 33,053 COCROM na sumasaklaw sa 28,544 ektarya.

Sa pamumuno ni Regional Director Primo C. Lara, patuloy ang DAR Region II sa pagbibigay ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa sa pamamagitan ng pamamahagi ng Emancipation Patents (EPs), Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), at mga e-titles sa ilalim ng Project SPLIT. Mula Nobyembre 2024 hanggang Abril 2025, mahigit 2,000 titulo ng lupa ang naipamahagi sa higit 1,800 ARBs na sumasaklaw sa halos 3,135 ektarya ng lupang pansakahan sa buong rehiyon.

“Ang mga pagsusumikap na ito ay patunay ng aming hindi matitinag na paninindigan sa katarungang pang-agraryo at kaunlaran sa kanayunan. Ang mga ARB ang aming VIP. Sa Rehiyon Dos, ang magsasaka ang bida,” ani Director Lara, na kinilala rin ang pagtutulungan ng mga tanggapan ng DAR sa rehiyon at lalawigan, mga lokal na pamahalaan, at mga katuwang na ahensya.

Sa patuloy na pamamahagi ng COCROM at mga titulo ng lupa, ang NAEA ay nagiging mabisang instrumento para wakasan ang suliranin ng kawalan ng lupa at maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka tungo sa sama-sama at masaganang sektor ng agrikultura.  (Photos By: BOY MORALES SR.)

 

 

 

Nakatanggap ng kanilang Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) ang 2,332 ARBs mula sa Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya mula sa DAR noong Abril 30, 2025 sa Ilagan City, Isabela.

 

 

 

Pinangunahan ni DAR Undersecretary para sa Field Operations Office Atty. Kazel C. Celeste ang pamamahagi ng 3,242 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) na may kabuuang halagang mahigit Php 116.5 milyon sa 2,332 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Rehiyon ng Cagayan Valley.

Imus at NHCP pinangunahan ang Pambansang Araw ng Watawat at Ika-127 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan  

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IMUS, Cavite — Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Pambansang Araw ng Watawat at ang Ika-127 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan nitong Mayo 28, 2025 sa Dambana ng Pambansang Watawat ng Pilipinas (Imus Heritage Park) sa pamumuno ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Tagapangulo ng NHCP na si Dr. Emmanuel Franco Calairo.

Sa bating pambungad ni Mayor AA, nanawagan siya sa kaniyang mga kababayan na hikayatin ang bawat isa, higit ang mga kabataan, na pahalagahan ang kanilang pagkakakilanlan bilang Pilipino.

“Sa kabila ng paglipas ng panahon, ang pagpapahalaga sa kasaysayan at pagiging makabayan ay tila unti-unti nang nawawala sa ating mga puso, lalong-lalo na sa kabataan. Kaya naman po, tungkulin po natin bilang nakatatanda na buhayin ang diwa ng nasyonalismo sa kanila.” Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na pang-unawa tungkol sa mga isyu na kinakaharap ng bansa.

“Himukin natin sila [mga kabataan] na magkaroon ng kamalayan sa mga isyu ng ating bansa dahil mahalaga na manatili tayong mulat at mapagbantay sa pagprotekta sa ating pinaghirapang kalayaan at pinaglabanang demokrasya.”

Sa naturang selebrasyon, pinangasiwaan ng Philippine Navy ang pagtataas ng watawat. Habang pinangunahan ng panauhing pandangal, Senador Francis Tolentino, ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Inang Laya kasama sina Dr. Calairo, Mayor Advincula, at Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Cavite, Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula.

Nakiisa rin dito ang mga board member ng Ikatlong Distrito ng Cavite, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus, sa pangunguna ni City Vice Mayor Homer Saquilayan, department heads, unit heads, at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Imus. Sa talumpati nina Sen. Tolentino, Dr. Calairo, at Cong. AJ, iisa ang kanilang mensahe: ang gunitahin ang kabayanihan ng mga Himagsikang Pilipinong nagpalaya sa Pilipinas mula sa mga kamay ng mga mananakop na Kastila.

Inihayag din ni Mayor AA ang suporta ng lokal na pamahalaan para sa paglago ng turismo at pangangalaga sa kasaysayan.

“Makakaasa po kayo na ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ay buong pusong susuporta at tutulong upang maisakatuparan ang iba’t ibang plano sa ating turismo at kasaysayan. Pagpatuloy po natin ang mga nasimulan ng ating mga ninuno na nagsumikap tungo sa pagbabago upang makaambag sa ikauunlad ng Pilipinas, at dito po natin umpisahan sa pinakamamahal nating bayan, ang makasaysayang Imus.”

Ang taunang paggunita ay nagbibigay-pugay sa kagitingan at katapangan ng mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan noong Mayo 28, 1989 sa Labanan sa Alapan. Sa makasaysayang kaganapang ito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas, dahilan kung bakit tinawag na “Flag Capital of the Philippines” ang Imus.

Ang naturang araw ay panimulang pagdiriwang din ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng National Flag Days na tumatagal hanggang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, alinsunod sa Kautusang Ehekutibo Blg. 179, taong 1994.

Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,” ipinagdiriwang ngayong taon ang Ika-127 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.

(Text & Photos by Boy Morales)

10,000 illegal POGO workers na nagkalat sa bansa, hulihin

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni House Quad Comm lead chairman Robert Ace Barbers (Surigao del Norte) sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na hanapin at arestuhin ang halos nasa 10,000 illegal POGO na nanatili sa bansa.

Ang apela ay ginawa ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, matapos impormahan ang komite ni Undersecretary Gilbert Cruz ng the Presidential Anti-Organized Crime Commission na nasa 9,000 hanggang 10,000 Chinese nationals na dating manggagawa ng pinasarang POGO hubs ay hindi pa umaalis ng bansa.

“To quote Usec Cruz, these foreigners are now ‘pakalat-kalat.’ You, the concerned agencies should be proactive, wag tutulog-tulog. This matter involves national security because these foreigners may now either be criminals or spies. For all you know, one of them is your neighbor,” ani Barbers.

Bago magtapos ang taong 2024, matapos idekalara ni Pangulong Marcos ang pag-ban sa POGO, hiniling ng Quad Comm sa ilang ahensiya ng obyerno na magbuo ng isang “central database” ng POGO workers.

Nalulungkot ang mambabatas na hanggang sa ngayon ay wala pang nagagawang database o listing mechanism.

“If we do not know how many POGO workers have entered the country and where are they located, how can we monitor their activities?” pagtatanong ni Barbers.

Inimpormahan naman ni Paolo Magtoto ng Central Luzon office ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Quad Comm na nakapag-isyu sila ng alien employment permits sa nasa 15,140 workers ng 16 POGO establishments sa rehiyon,

Kinansela na nila aniya ang naturang permits kasunod na rin sa kautusan ng pangulo na i-ban ang mga POGOs.

“We have accordingly informed the Bureau of Immigration (BI) of such cancellations,” pahayag ni Barbers.

Sa tanong ni Barbers, sinabi ni Magtoto na hindi alam ng DOLE kung nasaan na ang naturang libong POGO workers.

Sinabi naman ni BI representative Vicente Uncad sa Quad Comm na matapos matanggap ang DOLE cancellation ng employment permits, ay binawi ng BI ang working visas ng mga Chinese nationals at dinowngrade ito sa tourist visas.

Nang ihayag ni Barbers na anim na buwan lamang ang itatagal ng tourist visas para mag-expire ito, sinabi ni Uncad na maaaring mag-apply ang dayuhan ng extension kada buwan ng hanggang maximum period ng 2 taon.

Sa tanong kung nag-apply ang mga Chinese workers para sa extensions, sinabi ni Uncad na itse-tsek nila ito sa kaukulang BI office.

“Yun ang sinasabi ni Usec Cruz, pakalat-kalat na ang mga ‘yan,” anang mambabatas. (Vina de Guzman)

Impeachment calendar kailangan muna maaprubahan ng Senado bago makapag-komento ang Kamara

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Deputy Speaker David Suarez (Quezon) na hihintayin ng Kamara ang Senado sa pormal na pag-akto nito sa panukalang 19-day impeachment calendar bago ito magkomento o magbigay ito ng tugon.

Tinukoy ni Suarez ang panukala ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, sa posibilidad na tapusin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa loob ng 19 session days.

Ang panulala ay hindi pa naikalendaryo para sa plenary debate o adopted bilang isang Senate resolution.

“Well, I have not seen the impeachment calendar. I think it’s a mere proposal. Not until may makita tayong concrete from the Senate, I think they will be having their session today (Monday). Siguro saka na lang po kami mag-comment on that,” dagdag ni Suarez.

Sinabi pa ng Kongresista na klinaripika ng ilang senador na hanggang walang formal plenary action sa panukala ay mananatili itong unofficial.

“Kasi tulad nga lang sinabi ng iba mga senador, habang hindi pa to formally nilalagay sa plenary at walang action. So, those are mere pieces of paper only,” anang mambabatas.

Sa isyu nang posibilidad na bawasan o ibaba ang bilang ng Articles of Impeachment laban sa VP, tumanggi namang magkomento rito ang mambabatas.

“Well, I can’t speak on behalf of the prosecutors but we signed the Articles of Impeachment, and we identified seven articles. So again, until such time na may concrete recommendation or action ‘yung Senate once they convene as an impeachment court, saka na lang po makakapag-respond yung House,” pahayag ni Suarez. (Vina de Guzman)

PBBM, tinukoy ang pangangailangan na i-rehabilitate ang ‘Marcos-type’ school buildings

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na i-rehabilitate ang mga school buildings.

Ang katuwiran ng Pangulo, ilang dekada na rin naman kasing ginagamit ang mga gusali na tinawag niyang ”Marcos-type”.

Matapos inspeksyunin ang Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan, sinabi ng Pangulo na napansin niya na may ilang gusali ang maituturing ng ”Marcos-type,” na para sa kanya ay dapat nang palitan.

”Sa inspection namin, alam ninyo ba ‘yung ibang nakita namin na school building, Marcos-type school building pa, ang Marcos-type school building was supposed to be replaced between 20 and 30 years. Ang life niyan is 20 to 30 years, pero ayan mabuti na lang at nagagamit pa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Really, they have to look at the rehabilitation of many of them,” dagdag na wika nito.

Napansin din ng Pangulo na ang mga comfort rooms o banyo sa eskuwelahan ay kailangan ng ayusin, gayunman mayroong problema sa suplay ng tubig sa lugar, dahilan para mahirapan na i- rehabilitate ang mga banyo.

”One of the things that I noticed are the bathroom… kailangan na kailangan nating linisin at pagandahin ang bathrooms. Hindi naman mahirap gawin ‘yun except ang problema, sa mga pinuntahan naming eskwela, walang tubig. Kaya’t ‘yun ang titingnan naming mabuti kung saan dapat manggaling ang tubig. Bakit walang tubig, nagbabayad naman sila para sa kanilang water supply?” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Winika pa ng Pangulo na ang suplay ng tubig ang pangunahing kailangan para masiguro rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante sa mga eskuwelahan.

Samantala, masaya naman ang Pangulo sa isinagawang inspeksyon.

Aniya, humigit-kumulang na 27 milyong estudyante ang naka-enroll para sa School Year 2025-2026, na magbubukas sa June 16.  (Daris Jose)

No EDSA rehab kung ‘di solid rerouting plans-PBBM

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG mangyayaring rehabilitasyon sa EDSA hangga’t walang “solid” na mga plano sa rerouting at hindi handa ang mga local government units (LGUs), ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nauna rito, ipinagpaliban ng Pa­ngulo ng isang buwan ang rehabilitasyon ng EDSA na nakatakda sanang simulan sa Hunyo 13, 2025.

Ayon sa Pangulo, ang dalawang taong timetable ay isang malaking sakripisyo dahil mas lalong bibigat ang kondisyon ng trapiko.

“Ang sabi ko nga ay masyadong matagal ‘yung dalawang taon para maabala ang mga kababayan natin,” ani Marcos sa kanyang vlog nitong Linggo.

“Hangga’t wala akong nakikitang solid na mga rerouting plans at masi­guro na handa na ang mga LGU, ‘wag muna natin gawin, ayusin muna natin ang mga plano,” dagdag ni Marcos.

Tinatayang aabot ng P8.7 bilyon ang magagastos para gawing mo­derno ang EDSA.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Martes na nais ni Marcos na mapabilis ang muling pagtatayo ng major thoroughfare na umaabot ng 23.8 kilometro. Mula sa dalawang taong proyekto, nais ng Pangulo na tumagal lamang ito ng anim na buwan. (Daris Jose)

Tumulong sa paglilinis sa eskuwelahan sa Bulacan… PBBM, pinangunahan ang ‘Brigada Eskwela 2025’

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

“WELCOME back to school! Study hard, kids.”

Ito ang paalala at paghihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos na kanyang isinulat sa bagong ikinabit na blackboard, nang bisitahin ng Chief Executive ang Barihan Elementary School sa Malolos City, kasabay ng pag-arangkada ng “Brigada Eskwela 2025.”

Sumama at sumali kasi ang Pangulo sa mga magulang, guro at volunteers sa ground, muling pinagtibay ang commitment ng administrasyon na palakasin ang public education hindi lamang sa pamamagitan ng polisiya, subalit sa pamamagitan ng personal at ‘visible support’ sa grassroots level.

Bago pa magsimula ang school year 2025–2026 sa June 16, in-inspeksyon ng Pangulo ang mga silid-aralan na sumasailalim sa ‘repairs—checking ceilings, mga bintana at pintuan upang matiyak na ang mga estudyante ay babalik sa ‘functional at secure learning spaces.’

Nirepaso rin ng Pangulo ang mga photo archives ng typhoon-related damage sa mga nakalipas na taon, binigyang diin ang pangangailangan para nagpapatuloy na investment sa disaster-resilient school infrastructure.

Maliban sa Barihan, binisita ni Pangulong Marcos ang Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan, kung saan in-inspeksyon ang pagkukumpuni sa mga silid-aralan at sinaksihan ang serye ng school readiness activities.

Kabilang dito ang mga proyekto na may kinalaman sa paghahalaman, pagpipinta at pag-aalwagi, naglalayon na gawing mahusay ang ‘physical environment’ ng eskuwelahan bago pa ang pagbubukas ng klase.

Inobserbahan din nito ang orientation session para sa 20 estudyante na gumagamit ng Khan Academy, isang online platform na nag-aalok ng libre, high -quality learning materials —binigyang diin ang lumalagong papel ng digital tools sa modern classroom.

Bilang suporta sa digital transformation ng public education, ipinresenta ni Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Rhoel Aguda ang bagong ikinabit na Starlink satellite internet service sa eskuwelahan, na inaasahan na makapagbibigay ng mas mabilis at mas maaasahan na connectivity para sa mga estudyante at mga guro.

Sa kabilang dako, pinangasiwaan din nina Pangulong Marcos at Education Secretary Juan Edgardo Angara ang orientation ng 200 bagong hired public school teachers, mahalagang sangkap ng paghahanda ng Department of Education para sa academic year.

Si Pangulong Marcos, sa maikling mensahe sa panahon ng orientation ng mga bagong guro, pinasalamatan niya ang mga ito para sa pagtanggap ng marangal na tungkulin bilang isang tagapagturo.

Muling tiniyak nito sa mga guro ang patuloy na suporta sa administrasyon.

“Hindi lamang sa financial support kundi pati na sa retraining at ito nga iyon nga binabawasan natin yung administrative duties, ‘yung mga ganyang klase, para makapagturo kayo ng mabuti,” ang sinabi nito.

Kasama ng Pangulo ang kanyang bunsong anak na si William Vincent, sa pagbisita sa mga eskuwelahan.

Ang Brigada Eskwela 2025 ay tatakbo mula June 9 hanggang 13 at sabay-sabay na isasagawa sa lahat ng rehiyon.

Samantala, sama-samang kikilos naman sa five-day campaign ang libo-libong volunteers upang tiyakin na ang mga public schools ay ganap na nakahanda para sa pagbabalik ng 27 milyong mag-aaral sa buong bansa.

Sa katunayan, sa Barihan Elementary School lamang, mahigit sa 300 bags na puno ng basic school supplies ay ipamamahagi sa unang araw ng klase, bahagi ito ng mas pinalawak na pagsisikap na pagaanin ang pasanin ng mga pamilya. (Daris Jose)

Pacquiao sa boxing hall of fame: ‘Para ito sa mga nangangarap at lumalaban’

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISA na namang makasaysayang tagumpay ang naabot ni Manny Pacquiao matapos siyang opisyal na ma-induct sa International Boxing Hall of Fame nitong Lunes, Hunyo 9, sa edad na 46.

Sa kanyang talumpati, binalikan ni Pacquiao ang kanyang payak na simula sa General Santos City, kung saan nagsimula ang kanyang paglalakbay bilang isang nangangarap na boksingero.

“I dedicate this moment to every underdog, dreamer, person who keeps fighting even when the odds are against them,” ani Pacquiao.

Kabilang sa mga kasabay niyang inductees sina Vinny Paz, Michael Nunn, at kilalang referee na si Kenny Bayless. Nasa audience rin ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Ibinahagi din ng eight-division world champion na ginamit niya ang boksing upang makatakas sa kahirapan, at mapalapit sa tagumpay laban sa ilang mga pinakamagagaling na manlalaro sa mundo tulad nina Oscar Dela Hoya, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, at marami pang iba.

“Boxing gave me a way out… Every fight, every victory was a step further from poverty,” dagdag ni Pacquiao.

Maalalang sa darating na Hulyo, muling babalik sa ring si Pacquiao para harapin ang Amerikanong si Mario Barrios para sa WBC welterweight title sa MGM Grand, Las Vegas.

Alcaraz nagkampeon sa French Open

Posted on: June 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAMPEON sa French Open si Spanish tennis star Carlos Alcaraz.

Nalusutan nito ang world No. 1 na si Jannik Sinner sa score na4-6, 6-7 (4), 6-4, 7-6 (3), 7-6 (2).

Umabot ng limang oras at 30 minuto at five set tie breaker ang laro para makamit ng 22-anyos na si Alcaraza ang kaniyang ika-limang major title.

Ito na aniya ang itinuturing na pangalawang pinakamatagal na grand slam final sa Open Ear at si Alcaraz din ang pang-anim na manlalaro na nakabangon sa dalawang set sa French Open.

Ang Spanish tennis star ay siyang pinakabatang manlalaro na nagwagi ng dalawang sunod na men’s singles titles sa Paris.