• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 5th, 2025

Pilipinas napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI ang Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup sa 2027.

Ayon kay FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian na sabik sila na makabalik sa Pilipinas para sa FIBA Asia event.

Ito ang unang pagkakataon na anc continental-level basketball event ay iho-host ng Pilipinas mula noong 2013.

Dagdag pa ni Khaijirian na naniniwala sila na ang pag-host ng Pilipinas ng FIBA Women’s Asia Cup ay makakatulong sa promosyon nila na lalong magkainterest ang mga babae sa sports na basketball.

Sinabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na masaya sila sa pagkapili ng Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027.

Mula pa aniya noon ay naging mahigpit nilang kasama na ang FIBA sa pagpaprioritize ng paglago ng basketball sa mga kababaihan.

Nasa momentum na ang Pilipinas sa basketball ng kababaihan dahil may ilang mga manlalarong Pinay ay kinukuha ng ibang mga bansa.

Magugunitang noong 2013 ng maging host ang Pilipinas sa FIBA Asia Championship kung saan naging runner-up ang Pilipinas at nakapasok sa 2014 FIBA Basketball World Cup.

Alex Eala nabigo sa doubles sa Wimbledon

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Wimbledon.

Ito ay matapos na mabigo siya sa doubles kasama si Eva Lys laban kina Ingrid Martens at Quinn Gleason sa score na 4-6, 2-6.

Ang kaniyang pagkatalo ay ilang araw matapos na mabigo ito sa unang round ng nasabing torneo laban kay defending singles champion Barbora Krejcikova.

Kahit na nabigo ito ay nagtala naman si Eala sa kasaysayan ng Wimbledon na tanging Pinay na naglaro sa Wimbledon.

Pasinaya sa bagong business offices ng NCH

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Taingco ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa bagong business offices ng Navotas City Hospital para sa mas mabilis at mas convenient na serbisyo sa mga pasyente na bahagi ng pagdiriwang ng ika 18th Navotas Cityhood. Ani Mayor Tiangco, mas maayos na ngayon ang daloy ng transaksyon dahil nasa iisang lugar na ang mga kailangan puntahan para sa social services, Malasakit Center, at iba pa. (Richard Mesa)

Impeachment trial ni VP Duterte Senate, hindi optional, dapat ituloy ngayong 20th Congress

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay reelected Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, isa sa miyembro ng House prosecutors sa kaso, na hindi optional ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at dapat matuloy ito ngayong 20th Congress kapag pormal na itong magbukas.

“No, it is not optional. As soon as it is filed, ang understanding ko, ang obligasyon ng Senado is to hear and decide the case,” ani Flores.

Nang tanungin ukol sa posibilidad na madismis ang kaso, umaasa ito na huwag naman sana dahil obligasyon ng senado sa ilalim ng konstitusyon na dinggin at magdesisyon sa usapin,

“Yun naman ang nakasabi doon sa Constitution. So, kung i-follow lang nila ‘yung Constitution, there is really going to be a trial,” pahayag ni Flores.

Hinihintay na lamang ng Kamara ang pormal na organisasyon ng 20th Congress bago ito magdesisyon kung kukumpletuhin ang hinihinging sertipikasyon ng Senate impeachment court para magpatuloy sa trial.

“Wala pang certification or compliance na magagawa until the 20th Congress is organized and starts. So that’s technically after the SONA pa,” anang mambabatas.

(Vina de Guzman)

Spokesperson  ng Coast Guard, nagsampa ng reklamo kontra blogger

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN  ng cyberlibel complaint sa Manila Prosecutors Office si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela laban sa blogger  na si Sass Sasot.

Base sa reklamo, sinabi ni Tarriela na nag-post si Sasot ng umano’ y “scurrilous libels” tungkol sa kanya sa Facebook at X accounts nito na inaakusahan ang opisyal ng PCG na korupsyon at pangingikil at pandaraya.

Dagdag pa ni Tarriela na inakusahan siya ni Sasot na tumanggap ng

 $4 milyon na “talent fee” mula sa  United States at  bags ng pera mula kay House Speaker Martin Romualdez.

Idinagdag pa na tina-tag din siya ni Sasot bilang “Philippine Military Academy cheater.”

Sinabi ni Tarriela na lahat ng alegasyong ito ay pawang walang katotohanan at walang totoong basehan.

Humihingi si Tarriela nang mahigit P1 milyong danyos.  (Gene Adsuara)

Sa isang phone call: PBBM, Canada PM tinalakay ang kalakalan, car-ramming attack sa Vancouver

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN sa telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang ilang bagay kabilang na ang car-ramming attack sa Vancouver na nagresulta ng pagkasawi ng ilang pinoy nitong Abril.

”Had a very good conversation with Prime Minister Mark Carney of Canada,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang social media post.

”We discussed how our two nations can further strengthen and deepen cooperation in trade, defense, and maintaining peace in our region. I also conveyed our gratitude for Canada’s swift assistance to the Filipino community in Vancouver following the tragic incident at the Lapu-Lapu Day Festival,” aniya pa rin.

Sinabi ng tanggapan ni Carney na ang dalawang lider ay ”reflected on the Lapu-Lapu Day tragedy in Vancouver earlier this year and expressed their deep condolences to all those affected.”

Matatandaang, isang malagim na trahedya ang nangyari sa Lapu-Lapu festival na idinaos ng Filipino community sa Vancouver, British Columbia, Canada matapos araruhin ng isang itim na kotse ang crowd, noong Abril 26.

Ayon sa mga awtoridad, nasa edad pagitan ng lima at 65 anyos ang mga biktima sa trahediya.

Samantala, pinag-usapan pa rin nina Pangulong Marcos at Carney ang ‘cultural ties, advancing free trade, at ”agreed on the importance of a free and open Indo-Pacific and of the efforts of both Canada and the Philippines to uphold the rules-based international order and security in the region,” ang sinabi ng tanggapan ng prime minister.

Ipinaabot naman ni Carney ang kanyang imbitasyon kay Pangulong Marcos para bumisita sa Canada.

”The leaders will remain in close contact,” ang sinabi ng tanggapan ni Carney. (Daris Jose)

DOJ, malapit nang makabuo ng ‘airtight case’ sa missing sabungero

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN ang Department of Justice (DOJ) na ituturing pa rin bilang kaso ng kidnapping ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ay sa kabila ng pagbubunyag ni ‘Alyas Totoy’, na si Julie Dondon Patidongan  na pinatay at tuluyang itinapon sa Taal Lake ang mga labi ng mga nawawalang sabungero.

Giit ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, hangga’t hindi nahahanap ang biktima o natatagpuan ang kanilang mga labi ay magpapatuloy itong ituturing bilang kaso ng kidnapping.

Sa kabila kasi ng testimoniya ni Alyas Totoy, wala pa rin aniyang mahanap na ebidensiya na magpapatunay na patay na ang mga sabungero kaya’t hindi pa rin maaaring ituring ang naturang kaso bilang murder o homicide.

Samantala, malapit na rin umanong makabuo ang DOJ ng isang airtight case kasunod ng mga serye ng isinagawang imbestigasyon.

Pagtitiyak ng DOJ official, ikinukunsidera ng ahensiya ang lahat ng lumabas na impormasyon mula pa sa mga naunang lumutang noong pumutok ang naturang isyu, ilang taon na ang nakakalipas.

Paliwanag ni Usec. Vasquez, ilan sa mga lumutang na testigo noon ay tuluyan ding nag-recant o binawi ang kanilang mga salaysay.

Gayunpaman, marami aniya sa mga testimoniya at ebidensiya na nalikom ng DOJ mula pa noong pumutok ang isyu ay pinapatotohanan na rin ng mga ebidensiyang kamakailan lamang lumabas, bagay na nagtatag sa case build-up na ginagawa ng ahensiya. (Daris Jose)

Ginang na naningil ng pautang, pinagbantaang papatayin ng mangingisda

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 23-anyos na mangingisda nang tutukan ng baril at pagbantaang patayin ang negosyanteng ginang na naningil ng pautang sa kanya sa Navotas City.

Batay sa ulat, nagtungo ang 40-anyos na ginang sa bahay ni alyas “Rommel” sa Brgy. Tanza Dos dakong alas-6 ng umaga upang pakiusapan ang suspek na bayaran na ang kanyang pagkakautang.

Sa halip na magbayad, bumunot umano ng baril ang suspek sabay sinabihan ang biktima ng “Pu—ina mo, puro ka singil ng utang ah, gusto mo patayin na kita? Parang hindi ka babayaran”.

Dahil sa takot, nagtatakbo ang biktima hanggang makahingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang tauhan ng Patrol Base 1 ng Navotas Police Station na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ayon kay Navotas Police OIC chief P/Col. Renante Pinuela, nakuha sa suspek ang isang improvised firearm ‘pen-gun’ na kargado ng isang bala ng kalibre .38.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad ang Navotas police sa kanilang mabilis na aksyon na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

No. 1 most wanted sa murder sa Valenzuela, nalambat sa Isabela

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang pagtatago ng 55-anyos na lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Valenzuela City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguang lugar sa Isabela.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas na nagtatago sa probinsya ng Isabela ang akusado na si alyas “Federico”, na nakatala bilang No. 2 Most Wanted Person sa Northern Police District at No. 1 MWP naman sa Valenzuela CPS.

Kaagad nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa San Mateo Municipal Police Station bago ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Federico’, dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Si ‘Federico’ ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Bisayas sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 282, noong December 20, 2024 para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pinuri naman ni P/BGen. Arnold Abad, Acting District Director ng Northern Police District ang Valenzuela police sa kanilang mabilis at coordinated na pagsisikap.  “This arrest reflects our unwavering commitment to uphold the rule of law and ensure the safety and security of our communities.” pahayag niya. (Richard Mesa)

E-wallet platforms, dapat ipagbawal sa mga online gambling transactions hiling ng mambabatas

Posted on: July 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon na dapat ipagbawal sa mga e-wallet platforms tulad ng GCash at Maya, at iba pang online applications ng banking institutions ang mga online gambling transactions.

Ayon sa mambabatas, ang pagpapatupad ng online gambling regulation ay makakatulong para maiwasan ang mga ‘unchecked and convenient access’ ng mga ordinaryong Pilipino, lalo na ang kabataan, sa mga online gambling platforms.

Tungkulin aniya ng gobyerno na gawing mas mahirap para sa mga indibidwal na gastusin o gamitin ang pinaghirapang sahod o suweldo sa mga aktibidad na kadalasang nagreresulta sa financial distress at family disintegration.

Sinabi pa nito na dapat i-require ang mga online gambling operators na magbuo ng sarili nilang independent payment systems na may mas mahigpit na know-your-customer (KYC) protocols at mas mataas na minimum cash-in thresholds, alinsunod na rin sa panukala ni Senator Sherwin Gatchalian na ₱10,000 initial deposit requirement.

Ang kita ng isang pamilya ay dapat bantayan upang mailaan lamang ito sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, edukasyon, kalusugan at iba pang pang-araw araw na pangangailangan at hindi masayang lamang sa pagsusugal tulad ng online gambling platforms na wala namang produktibong balik.

“Gambling regulation must begin with access restriction,” pahayag ni Ridon.

(Vina de Guzman)