• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,055 na mga Dumagat, tumanggap ng food packs mula sa INC

LUNGSOD NG MALOLOS – Kabilang sa mga donasyon ng religous group na Iglesia ni Cristo nitong nakaraang buwan, may kabuuang 2,055 Dumagat ang tumanggap ng mga food pack sa pamamagitan ng programang “Kumustahan at Talakayan sa IPs sa Doña Remedios Trinidad sa Panahon ng Pandemya” na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

 

 

Nagsimula ang programa noong Huwebes sa mga bayan ng Doña Remedios Trinidad at Norzagaray kung saan may 1,752 na benepisyaryo ang natulungan habang may kabuuang 303 na benepisyaryo naman mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan sa ginanap na programa kahapon.

 

 

Kamakailan, nagbigay ng 4,000 donasyong food packs ang INC na naglalaman ng mga naka-pack na bigas, mga de lata, at mga instant coffee kung saan mahigit sa kalahati nito ay ipinamahagi sa indigent population.

 

 

Inihayag naman ni Josephine R. De Mesa, kapitana ng Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, ang kanyang pasasalamat dahil laging kabilang ang kanilang barangay sa listahan ng mga benepisyaryo.

 

 

“Kami po kasama ng aking mga ka-baranggay ay lubos pong nagpapasalamat sa walang sawang pagtulong po ninyo sa amin pagdating po sa mga ayuda; hindi niyo po nakakalimutan ang Brgy. San Lorenzo kaya maraming salamat po,” ani De Mesa.

 

 

Samantala, inihalintulad naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang nasabing grupo bilang instrumento ng Panginoon sapagkat patuloy silang tumutulong at nagsasagawa ng mga mabubuting gawain lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

“May mga ginagamit ang Panginoon na mga tao na ibaba sa atin ang mga biyaya; sa pagkakataong ito ay ang mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo. Lahat po ay kinikilala natin sapagkat ang kailangan natin ngayon ay pagtutulungan, pagmamahalan at pagkakaisa,” anang gobernador.

 

 

Maliban sa pamamahagi ngrelief goods, patuloy din ang pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” upang magbigay tulong sa mga Bulakenyong iskolar at patuloy na pagbabakuna para sa mga Bulakenyo upang labanan ang COVID-19 sa lalawigan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Tapos na ang gawain sa The Hague:

    EXCITED ng umuwi ng Pilipinas si Vice-President Sara Duterte dahil tapos na ang kanyang task bilang anak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakaditine sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands dahil sa kinahaharap na crimes against humanity.nn nn“Yes, yes, I am excited to go home…I’ll just book the travel arrangement,” ang sinabi ni […]

  • 3 PATAY SA PANANAKSAK SA LOOB NG SIMBAHAN SA FRANCE

    PATAY ang tatlong katao matapos na sila aypagsasaksakin sa Notre Dame Basillica sa Nice, France.   Isa sa mga biktima na babae ay ginilitan ng leeg habang ang dalawa na binubuo ng babae at lalaki ay napatay matapos tadtarin ng saksak ng suspek.   Nabaril naman ng kapulisan ang suspek at kanila ng nasa kustodiya. […]

  • MALLARI: First Filipino Film distributed by Warner Bros. Pictures, Kicks off with a Biggest Mediacon and Fancon

    MENTORQUE Productions makes history through its film and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry, MALLARI, as the first Filipino movie distributed by Warner Brothers Pictures.     Kicking off its month-long journey towards the December 25 MMFF 2023 release, Mentorque in cooperation with Cleverminds Incorporated, held the biggest and grandest media and fan conference-in-one […]