• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

21 na kaya goodbye na sa pagiging ‘baby boy’: DARREN, nanggulat sa pasabog na daring at sexy pictorial

PASABOG si Darren Espanto ngayong 21 year old na siya.

 

 

After nga niyang magpa-party, aba, may hinahanda pala itong bonggang pasabog sa kanyang mga tagahanga.

 

 

Bigla na lang nag-post si Darren sa kanyang Instagram account ng mga topless photos niya. Nag-effort talaga itong magpa-pictorial at ang simpleng caption niya ay “21.”

 

 

Ang edad n 21 ang talagang legal age ng isang lalaki. Kaya parang ipinapaalam ni Darren sa lahat na binata na siyang talaga.

 

 

Ibig sabihin din ba nito, gusto na rin ni Darren na mabago ang imahe niya. Na hindi na siya ‘yung tila “baby boy” kung tawagin ng lahat and that, kaya rin niyang magpa-sexy at daring?

 

 

Aliw ang mga comments sa IG post na ito ni Darren, merong mga nagsasabi na, “Ay, ‘di kami ready!”

 

 

***

 

 

MULA mismo sa President and CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Tan, sinabi nito na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang number 1 endorser ng Beautederm.

 

 

Ito ay sa kabila ng napakaraming celeberity endorsers ng Beautéderm. Naa-appreciate ni Ms. Rhea si Marian na talagang may malasakit daw sa produktong ine-endorso nito. Hindi lang nagpo-post o promote palagi, pero nag-iisip din daw itong talaga mga puwedeng gawin para mas maging mabenta pa.

 

 

Naging celebration of love and friendship nga ang naging renewal of contract ni Marian kunsaan, after four years as sole endorser ng Beautéderm Home ay pumirma na naman siya ng panibagong 30 months.

 

 

At madalas nga raw silang mag-usap kahit kung ano pang products ang io-offer nila.

 

 

Sey niya, “Hindi kami nauubusan ni Ate Rhea na mag-usap kung ano ‘yung mga produkto na pwede naming i-offer sa Beautéderm Home. Of course, nandiyan ang mag soy candles at may bago rin kaming mga scents.

 

 

“And now, may bago kaming ini-introduce sa kanila, itong Pour Tout Faire, a 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects.”

 

 

At dahil nanay na nanay nga, concern din si Marian kapag nagluluto siya kung anong scent daw ang gagamitin niya. At ito raw ‘yung candy flavor.

 

 

Ayaw pang magkuwento ni Marian sa alam naming ginagawa ng dream house nilang mag-asawa. Though kung ‘yung alam namin dati pa na location na plano nilang pagtayuan no’n, sure kami na napakabongga at napakalaki ng soon to be dream house nila.

 

 

Sey na lang niya, “Kapag talagang buong-buo na, e, hindi naman kami magdadamot na i-share ‘yon sa mga tao.

 

 

“At pagpasok niyo, puro mga Beautederm Home ang makikita niyo.” sey pa niya.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!

    Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) […]

  • Operators ng EDSA Carousel humingi ng fare hike

    NAGHAIN ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng EDSA Carousel upang humingi ng fare hike dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na humingi ang ES Transport at Mega Manila ng fare increase kung saan […]

  • Ganap ng batas … Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act nilagdaan na ni PBBM

    GANAP ng batas ang Self- Reliant Defense Posture Revitalization Act, matapos itong lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kahapon ng umaga bago ito bumiyahe patungong Lao PDR para dumalo sa ASEAN Summit.     Ang nasabing batas ay magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng bansa.     […]