• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

22.9 milyon benepisaryo ang mabibigyan ng ayuda sa ECQ areas

AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Expanded Social Amelioration Program (SAP).

 

Ang mga benepisaryong ito ay nasa lugar ng nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo.

 

Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics mula DSWD at NEDA.

 

“Bale po sa puntong iyan, we are guided by data given to us both by DSWD and NEDA. And based on the latest population statistics from NEDA, there are estimated 22.9 million beneficiaries which correspond to the 80% low income population in NCR, Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna,” ayon kay Avisado.

 

“So, iyon ‘yung ano.. ‘yon ang pinagbabasehan natin. So, hindi  lahat kundi base  sa datos na ibinigay sa atin ng NEDA at DSWD,” dagdag na pahayag ni Avisado.

 

Nauna rito, tiniyak ng Kalihim na may inilaan na silang pondo para sa special amelioration assistance sa mga lugar na apektado ng Enhanced Community Quarantine.

 

Aniya, kasalukuyan pa itong nire-review ng office of the executive secretary  at inaasahang sa loob ng araw na ito ay maianunsyo ng office of the President ang mga detalye hinggil dito.

 

Kasama rito kung sino sino ang kwalipikadong benepisyaryo, magkano ang ibibigay  at kung kada pamilya ba ito o kada indibidwal.

 

Una rito ay inianunsyo ni Senador Christopher Lawrence Bong Go sa Laging Handa public briefing na nasa 23 bilyong piso ang available na pondo para sa Expanded Social Amelioration Program ng pamahalaan.

 

Ayon kay Go, ang Expanded SAP ay maaaring ibigay in kind sa kada pamilya o indibidwal.

 

May nauna na ring pahayag si DILG Usec Jonathan Malaya na pinag-aaralan sa ngayon kung ang pondong ito galing sa national government ay pwedeng irekta nang ibigay o ibaba sa mga LGU at hindi na idaan pa sa DSWD.

 

Ito aniya ay para sa layuning mas mabilis na maibigay sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang pondo.

 

Samantala, muling nakiusap si Go sa national government na bilisan na ang pagbibigay ng ayuda sa mga residenteng nakatira sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna na naka-ECQ o Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula ngayong araw, Marso 29 hanggang Abril 4, 2021.

 

“Tulungan natin sa lalong madaling panahon ang ating mga kababayan upang makaraos sila sa hirap, lalo na ‘yung mga naninirahan sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna na naka-ECQ,” ayon kay Go.

 

Giit nito, gawin na ang lahat ng makakaya na makapag-abot ng tulong sa lahat ng nangangailangan para walang magutom.

 

“Habang pinipilit natin silang manatili sa kanilang mga pamamahay, siguraduhin din dapat natin na mayroong laman ang kanilang tiyan,” ang pahayag ni Go.

 

Sa bawat araw na lumilipas kung saan nakakulong at limitado ang galaw ng mga tao para matigil ang pagkalat ng sakit, isang araw din na bawas ito sa kita na dapat ipapakain nila sa kanilang mga pamilya, lalo na ‘yung mga “isang kahig, isang tuka”.

 

Kung kaya’t ang anumang available na pondo na pwedeng gamitin ng gobyerno na pang-ayuda ay ibigay na sa mga ito.

 

Ilatag na rin aniya dapat ng mga ahensya, sa tulong din ng mga LGUs, ang mga mekanismo kung paano ito maipapamahagi sa bawat kwalipikadong pamamahay o indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon.

 

Samantala, nakiusap naman si Go sa mga mamamayang Filipino na apektado ng ECQ.

 

“Para naman sa ating mga kababayang apektado, konting tiis lang po. Hindi kayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo,” anito..

 

Ang pakiusap pa rin niya ay patuloy lang na magbayanihan upang mapagaan ang hirap na pinapasan ng buong sambayanan.

 

“Ang inyong kooperasyon at pagmamalasakit sa kapwa ay makapagliligtas ng buhay ng kapwa nating Pilipino,” diing pahayag ni Go. (Daris Jose)

Other News
  • Tama lamang na magkatuluyan sina Bryce at Angge: Fans nina WILBERT at YUKII, naniniwala sa ‘true love’ at ‘happy ever after’

    MATAPOS ang 13 linggo ng pagpapakilig, pagpapatawa, pagpapaiyak, at pagpapaibig sa fans, magsasara na ang kuwento ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng Puregold Channel.      Natunghayan ng mga tagapanood nang magkakilala sina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross) sa digital na mundo; ang pagiging magkaibigan at pagpapalagayang-loob ng dalawa, at ang pagkakaroon nila […]

  • New Set of Character Posters of ‘Space Jam: A New Legacy’, Present the Villainous Goon Squad

    SPACE Jam: A New Legacy has revealed a new set of posters focused on the ‘Villainous Goon Squad’ who’ll torment LeBron James and the Looney Tunes in the highly-anticipated sequel to 1996’s cult classic.     After a previous set of posters presented the film’s heroes, the new images give us a detailed look at Space Jam: A New Legacy‘s […]

  • Walang magbabago sa mga proseso kahit may appointed na Vaccine Czar: DOH

    DINEPENSAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala namang magbabago sa prosesong ginagawa ngayon ng mga nakatalagang opisyal na nangangasiwa sa development at pag-aangkat ng COVID-19 vaccine, dahil in-appoint ng presidente si Galvez.   “Wala […]