• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

22 Navoteños tumanggap ng bike at cellphone mula sa DOLE

NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE.

 

Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas Congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande.

 

Ayon kay Cong JRT, maaaring gamitin ang mga ito ng mga benepisyaryo para makatulong sa kanilang online o loading business.

 

Ang FreeBis bikes ay kumpleto na sa mga gamit kasama ang helmet, raincoat, vest, water bottle, at thermal bag. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng android mobile phone na may P5,000 load.

 

Kaugnay nito, sampung frontliners naman na naglilingkod sa Navotas City Hospital at City Health Office ang napaghandugan ng bike ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

 

“Ito ay bilang pagbibigay- pugay sa kanilang pagsasakripisyo at pagsisilbi sa atin sa kabila ng panganib at hirap na dulot ng COVID-19. Lubos po tayong nagpapasalamat sa kanila at dasal natin na parati silang ligtas sa anumang sakuna”, ani Mayor Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • “Hudas” timbog sa Valenzuela buy bust, P2.4 milyon droga nasamsam

    UMABOT sa mahigit P2.4 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si alyas […]

  • Very competitive kasi ang mga misyon nila: LEXI, umamin na nagkapikunan sila sa ‘Running Man Philippines’

    AMONG sa Boys of Summer ng Sparkle, mukhang itong si Raheel Bhyria ang puwedeng natawag na playboy.   Nali-link kasi ang 22-year old Filipino-Pakistani sa mga young actresses na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Jillian Ward.   Pero nilinaw ni Raheel na hindi raw niya niligawan sina Andrea at Francine. Mga kaibigan lang daw […]

  • Alamin sa mga organizers ng Maginhawa community pantry kung saan napunta ang kanilang dinonate na pera

    KAILANGANG alamin ng mga taong nagbibigay ng pera bilang donasyon sa mga organizers ng Manginhawa community pantry kung saan napupunta ang kanilang donasyon lalo pa’t may ulat na may mga organizers ang di umano’y nau-ugnay sa communist rebel group.   Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na labis na nakababahala ang fundraising account […]