• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

24/7 NA BAKUNAHAN, ISASAGAWA SA MAYNILA

MAGSASAGAWA ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ng 24/7 COVID-19 mass vaccination sa mga susunod na linggo.

 

 

Dahil sa plano ng lokal na pamahalaang lungsod, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nangangailangan sila ng mga magboboluntaryo para sa 24/7 na bakunahan sa Maynila.

 

 

Aniya, bukas ang Manila Health Department (MHD) sa mga intresado at agad na makipag-ugnayan sa kaniyang opisina ang mga indibidwal upang mailatag na agad ang plano sa lalong madaling panahon.

 

 

“Kung sinumang lisensiyadong puwedeng magbakuna, idu-duty ko kayo sa gabi to replenish our workforce, our medical frontliners during daytime,” ani Domagoso

 

 

Kabilang sa mga kinakailangan nila para sa kanilang plano na 24/7 vaccination ay ang mga Doktor (Doctor), Nars (Nurse), Dentista (Dentist), Komadrona (Midwife), Medical Technologist, Parmasyutiko (Pharmacist), Iba pang propesyunal ng allied health (All other allied health professionals), Gradweyt ng Kolehiyo o Mag-aaral ng Kolehiyo na maalam sa paggamit ng kompyuter (College graduates or college students who are computer-literate), at iba pa.

 

 

Ayon sa Alkalde, kailangan nila ng karagdagang volunteers na may kaalaman sa pag-eencode sa computer para sa mga data na kakailangain. Nanawagan rin siya sa mga estudyante sa kolehiyo, SK officials at iba pang kabataan para tumulong sa gagawing 24/7 vaccination program.

 

 

Ang plano ng lokal na pamahalaan ay upang matugunan na ang layunin ng national government na maturukan ang lahat kung may sapat na suplay ng bakuna.

 

 

Sa mga interesado naman na indibdwal ay maaaring tumawag o mag-text sa numerong 0995-1069524 at 09606040771.

 

 

“Hindi natutulog ang COVID-19 kaya dapat walang tulugan ang tulungan sa bakunahan. Maraming salamat po at sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa pandemyang ito,” dagdag pa ni Domagoso.  GENE ADSUARA

Other News
  • SBP, nakikipag-ugnayan na sa gov’t para makauwi si Kai Sotto sa PH para sa qualifiers

    Nakikipag-ugnayan na umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamahalaan para matulungan si Kai Sotto na makauwi sa Pilipinas bago ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.     Una rito, inanunsyo ng 18-anyos na si Sorro na nais nitong maglaro para sa Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling window ng continental qualifiers, na gagawin […]

  • 100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

    NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.     Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.     “Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na […]

  • Kasalukuyang election laws, dapat ng amyendahan-PPCRV

    NAPAPANAHON na umanong amyendahan ang kasalukuyang election laws sa bansa kung saan malayang nakakapangampanya ang mga kandidato bago pa man opisyal na magsimula ang campaign period na dapat na ituring na paglabag sa batas ng halalan.   “We hope that our legislators will amend the rules that allow candidates to advertise themselves before the campaign period […]