• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

242 na mga dayuhan pinagbawalang pumasok sa bansa

PINAGBAWALAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa ang may 242 na mga dayuhan na pinaghihinalaang illegal na magtratrabaho.

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagbabawal ay kasunod nang pagbabalasa ng ilang opisyal sa NAIA mula sa kanilang kasalukuyang puwesto dahil sa nabulgar na “pastillas” scheme.

 

“79 were excluded at NAIA 1, 33 were excluded at NAIA 2, and 130 were excluded at NAIA 3. Some were Cambodians, Vietnamese, Indonesians, Myan-mars, Malaysians, and Chinese,” ayon kay Morente kung saan nasabat ang mga ito mula Feb. 21 hanggang Feb. 28.

 

Sinabi naman ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., na kanilang napuna ang pagpasok ng mga illegal na manggagawa na makapasok sa Pilipinas sa pamagitan ng ilang port of entry.

 

“We see this as a cause for concern,” ayon kay Manahan.. “Our frontliners will heighten our efforts in screening these aliens. We are in close coordination with our foreign counterparts in ensuring that no aliens with bad records enter the country. But if they are already in the country before we receive information about their crimes, we will immediately send them out,” dagdag pa nito.

 

Samantala, ipinangako ni Morente na palalawakin pa nito ang pagsisiyasat sa
Pastillas scheme, kasunod ng pahayag ng whistle-blower na Allison Chiong na nagpapatuloy ang nasabing modus “until recently”.

 

“I have ordered all NAIA heads replaced, and reshuffled all frontline personnel to break any possible collusion among them, this revamp affected around 800 officers,” ayon kay Morente. “We have likewise placed the Travel Control and Enforcement Unit and the Border Control and Investigation Unit under the control and supervision of the Intelligence Division to serve as an external check and balance to monitor airport operations,” dagdag pa ng BI Chief.

 

Binalaan naman ni Morente na ang sinumang mapapatunayang kasama sa pastillas scheme ay mahaharap sa administrative at criminal cases. (Gene Adsuara)

Other News
  • Higit 17 milyong SIM cards, nairehistro na; registration hanggang Abril 26

    UMAABOT  na umano sa mahigit 17 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa bansa.     Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), hanggang Enero 10, 2023, umaabot na sa mahigit 17 milyon ang rehistradong SIM cards.     Ito ay 10.13% anila […]

  • Sotto tuloy lang sa training sa US

    Tuloy lang sa pagpapa­lakas si Kai Sotto sa Amerika.     Walang masyadong ingay ang kampo ni Sotto upang makaiwas sa kaliwa’t kanang bashers.     Subalit hindi tumitigil ang 7-foot-3 cager sa pagsasanay upang lubos na maihanda ang kanyang sarili sa pangarap na makapasok sa NBA.     Sa katunayan, kasama ni Sotto sa […]

  • Tuloy ang paglaban sa ‘Miss Planet International’: HERLENE, nagsimula na ng familiarity workshop kasama ang cast ng serye

    CONGRATULATIONS to Kapuso actress Yasmien Kurdi.       Kinilala si Yasmien ng Diamond Excellence Awards bilang Outstanding TV Actress of the Year.     Instagram post ng pasasalamat ni Yasmien: “It is a great honor for me to receive this award.  Maraming salamat Diamond Excellence Awards sa parangal na ibinigay ninyo sa akin bilang “Outstanding […]