• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19

Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo.

 

Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri.

 

Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa naunang 344 players na nasuri mula June 24-29.

 

Umabot naman sa 10 team staff members ang nagpositibo rin sa coronavirus.

 

Ang nasabing bilang ay mula sa 884 team staff members na sinuri mula June 23-29.

 

Agad namang inilagay sa quarantine ang mga nagpositibong players at staff.

Magugunitang mula noong Marso ay natigil ang mga laro sa NBA dahil sa pagpositibo ng ilang manlalaro kung saan nakatakda silang magbalik sa paglalaro sa Hulyo 30 sa Orlando, Florida.

Other News
  • DA, mag-aangkat ng 60MT ng isda dahil sa ‘Odette’-induced shortage

    SINABI ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na may pangangailangan para mag-angkat ng 60,000 metric tons (MT) ng maliit na pelagic fish upang ma- meet ang demand para sa first quarter ng 2022 dahil sa pinsala na natamo ng fishery sector mula sa bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.     Inanunsyo […]

  • Grupo ng provincial bus, umaapela ng full operation sa NCR

    TODO NGAYON  ang apela ang isang grupo ng provincial bus operators sa gobyerno na makabiyahe ang lahat ng kanilang bus units sa Metro Manila.     Ayon kay Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc, nasa 15 porsiyento lang ng mga may dating prangkisa ang tumatakbo ngayon. […]

  • ‘Kusina Manileño’, iikot sa Maynila

    Inilunsad ni Manila 3rd District Cong. John Marvin “Yul Servo” Nieto ang ‘Kusina Manileño na naglalayong maserbisyuhan ang mga residente ng Maynila sa simpleng pamamaraan.     Ayon kay Nieto, ang mobile kusina na ‘Kusina Manileño’ ay nagsimula nang maglibot sa ilang  barangay sa distrito 3 noong Huwebes upang mamahagi ng libreng pagkain.     […]