• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.

 

 

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.

 

 

Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at nga­yong buwan din ay dara­ting ang mahigit 150,000 dose ng Sputnik V.

 

 

Bago matapos ang buwan ay matatanggap na rin ng bansa ang donasyong bakuna ng US at bubuhos din ang suplay sa Hulyo na aabot sa 12M dose.

 

 

Sa kabuuan, nakatanggap na ng 14,205,870 dose ng bakuna ang bansa na binili ng gobyerno at pribadong sektor kasama ang mga donasyon.

 

 

Ngayong Hulyo ay inaasahang darating ang 11,670,000 bakuna, kabilang dito ang 4.5 million Sinovac,1 million Mo­derna, 1 million Sputnik V, 1.17 million AstraZeneca na binili ng mga pribadong sektor at 4 million AstraZeneca o Pfizer-BioNTech vaccines mula naman sa COVAX facility.

Other News
  • Kahit na pilay: Pingris, aayuda sa Gilas

    KAHIT NA hindi makakalarong muli sa Gilas Pilipinas, aasiste naman sa kahit anong paraan si Jean Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 International Basketball Federation o FIBA Asia Cup Qualifiers.   Sumugod pa rin ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok player sa ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) Gilas pool […]

  • Extension ng deklarasyon ng state of calamity sa Pilipinas, definitely-Sec. Roque

    SIGURADONG sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ie- extend o palalawigin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang idineklara nitong state of calamity sa Pilipinas.   Ito’y dahil sa patuloy na pakikibaka ng bansa sa  COVID-19 pandemic.   “Yes, definitely ..it will be extended. It’s in the desk of the President, probably signed by now,” […]

  • Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network

    MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo.     Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]