2nd place sa Paris Diamond League Obiena winasak ang sariling Philippine record
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
Kasabay ng pag-angkin sa second place ay ang pagtatala ni national pole vaulter Ernest John Obiena ng bagong Philippine record.
Lumundag si Obiena ng 5.91 meters para basagin ang kanyang personal best at national record na 5.87m sa Paris Diamond League sa Stade Charlety, Paris, France.
“A 2nd place finish at the Paris 2021 Diamond League, and a new national record and personal best of 5.91m.,” ani Obiena sa kanyang Facebook account. “Thank you God! And thank you to those who keep on supporting and believing despite the ups and downs.”
Ang nasabing 5.87m ay ipinoste niya sa isang torneo sa Poland noong Hunyo.
Ito ang ikalawang kompetisyon ng 6-foot-2 Pinoy pride matapos ang 11th-place finish sa nakaraang Tokyo Olympic Games.
Sa kanyang second place finish ay lumapit si Obiena sa pag-qualify sa Wanda Diamond League Final sa Zurich sa Setyembre 8 at 9.
Sa Setyembre 3 ay muli siyang lalaban sa Brussels leg para sa tansang makapasok sa Final event.
Inangkin ni Tokyo Games gold medalist at world record holder Armand Duplantis ng Sweden ang first place ng nasabing leg sa kanyang 6.01m.
Tumersera si Tokyo Olympics silver medalist Christopher Nilsen ng US sa kanyang 5.81m. kasunod si Sam Kendricks na may 5.73m. (RC)
-
Ads October 6, 2023
-
Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes
AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una. “Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa […]
-
Año, target ang mahigpit na pagpapatupad ng COVID protocols
NANAWAGAN si Interior Secretary Eduardo Año ng mas mahigpit na implementasyon ng COVID-19 protocols bunsod ng mabilis na pagsirit ng mga paglabag sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang mass gathering offenses na umakyat na sa 5,469%. Nagbigay ng direktiba si Año sa Philippine National Police (PNP) at local government units […]