• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd SONA ni PBBM, ipakikita ang ‘significant progress’ ng Pinas

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mapagtatanto ng mga filipino na ang bansa ay nakagawa ng “significant progress”  habang pinapakinggan ng mga ito ang kanyang pangalawang  State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.

 

 

Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay sa Hulyo  24, araw ng Lunes.

 

 

Sinabi ng Panulo na makikita na ngayon ng taumbayan ang pagkakaiba kung paano magtrabaho ang pamahalaan kumpara sa bago pa siya mag- landslide victory noong  2022 elections.

 

 

“That’s what I want to explain to people that we have made significant progress,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“We can see the difference now, not only in terms of how the systems work, how the government works, it is also how we are seen or judged in the international community. That’s equally important,” dagdag na wika nito.

 

 

Kasama sa babanggitin ng Pangulo sa kanyang pangalawang SONA ang mga  plano at mga programa na kanyang tinalakay noong nakaraaang taon, ang progreso nito, kung ano pa ang magagawa ng gobyerno  at kanyang mga plano para sa pagsusulong.

 

 

“It’s just a performance report for Filipinos to see na sa dami ng mga pronouncements, sa dami ng mga salita, kung ito ba ay talagang may kabuluhan [o] salita lamang,” anito.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi pa siya nakapagdedesisyon sa kung ano ang kanyang isusuot sa SONA sabay pag-amin na siya’y  “worried about writing the speech.”

 

 

Noong nakaraang buwan,  nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na mayroon siyang ipi-presenta sa publiko sa  kanyang pangalawang SONA.

 

 

Sa katunayan, naghahanda na aniya sila sa naturang annual event.

 

 

“Sa palagay ko naman, mayroon naman tayo ipapakita, and that’s what the content of the SONA, I think, will probably be,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Winika pa nito na nagsimula na silang mangolekta ng materyales na kakailanganin para sa kanyang magiging talumpati subalit hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ukol dito.

 

 

Bagama’t nabigo ang Pangulo na banggitin ang  illegal drug situation sa bansa sa kanyang unang SONA, tinalakay naman ng Pangulo ang plano ng kanyang administrasyon para tugunan ang  post-pandemic economic recovery ng bansa.

 

 

Nasambit din ng Pangulo ang “food crisis, healthcare, bridging the country’s digital divide, and continuing the previous administration’s infrastructure program.”

 

 

Isiniwalat din ng Pangulo ang kanyang foreign policy,  sabay sabing mananatiling “friendly” ang Pilipinas sa lahat ng bansa, subalit hindi kailanman papayag na isuko ang kahit na isa mang pulgada ng teritoryo nito sa  foreign powers. (Daris Jose)

Other News
  • COCO at JULIA, mala-Mr. & Mrs. Smith ang peg sa promo shot para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

    MALA-Mr. & Mrs. Smith ang peg ng promo shot nina Coco Martin at Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Kaya naman may kanya-kanyang reaction ang netizens na ‘yun iba ay hindi nagustuhan.     “Yung Probinsyano naging Spy na.”     “Mr. And Mrs. Smith ang peg…     “Bansot version.  Anlayo ng Brad […]

  • “Fake fishing boats” sa WPS ipinakalat ng Tsina

    KILALA ang Tsina sa buong mundo bilang manufacture ng peke o counterfeit products, mula ulo hanggang paa, kabilang na ang iba’t ibang pagkain at gamot at pagbebenta nito sa kalapit na bansa sa Asya at kaalyadong bansa.     Ngayon ay naglalagay ito ng military vessels na nagkukunwaring bangkang pangisda sa West Philippine Sea, na […]

  • KYLIE, tinawag na ‘Queen’ sa teaser ng kanyang pagbabalik-primetime at makakatambal si RAYVER

    WE are happy sa panalo ni Megastar Sharon Cuneta as Best Actress sa 6th GEMS Hiyas ng Sining Awards.     Our beloved megastar won for her performance sa Daryll Yap movie na Revirginized.     Aminado naman si Sharon na medyo may takot siya when she accepted Revirginized. Ibang-iba kasi ito sa mga movies na […]