3 bagong COVID-19 variants pinangangambahan
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
TATLONG bagong variants ng COVID-19 na tinatawag na Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU ang pinangangambahan ngayon na kumalat makaraang matuklasan sa Europa at Amerika.
Agad namang pinawi kahapon ng Department of Health (DOH) ang pangamba sa mga Pilipino sa pagsasabing wala pa sa Pilipinas ang naturang mga variants.
“Currently, no recorded cases here in the Philippines. Our experts are still studying this,” ayon sa pahayag ng DOH.
Iginiit din ng DOH na ang World Health Organization (WHO) ang siyang awtoridad sa pagkumpirma sa naturang mga variants at pagdetermina kung ang mga ito ay “Variant under Monitoring (VUM), Variant of Interest (VOI), o Variant of Concern” na.
Ayon sa mga internasyunal na ulat, may 25 kaso na ng Deltacron ang natukoy sa bansang Cyprus. Nakitaan ang Deltacron ng 10 mutasyon mula sa Omicron variant habang ang “genetic background” nito ay kahalintulad naman ng Delta variant.
Posible umano na dahil sa pagkakasabay ng Delta at Omicron, lumikha na ito ng bagong variant na resulta ng pagpapalit-palit ng mga ito ng “genes”.
Samantala, natagpuan naman sa 12 pasyente sa France ang IHU na may 46 na mutasyon. Hindi pa naman mabatid kung gaano kabagsik at gaano kabilis kumalat ng naturang variant na kailangan pang isailalim sa dagdag na mga pagsusuri.
Natagpuan naman ang tinatawag na Flurona sa dalawang pasyente sa Estados Unidos at isa sa Israel. Ang Flurona ang tawag sa pinaghalong impeksyon ng “influenza o flu” at ng COVID-19.
-
McGregor isusunod si Pacquiao
ISUSUNOD kita! Pasaring ito ni former Ulti- mate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor ng Ireland kay World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel Pacquiao sa kanyang social media account. “I will be ready for Texas and Texas will be ready for my fans! Then Manny, (Pacquaio)” paskil ng dating UFC featherweight […]
-
Nora, nakatakdang gawin ang short film na ‘Henerala Salud’
NAKATAKDA palang gawin ni Superstar Nora Aunor ang Henerala Salud na life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna, who turned rebel against the Americans. Ayon kay Nanding Josef, Artistic director ng Tanghalang Pilipino, ang magpu-produce ng short film on the 67-year-old Salud Algabre, ay ang Tanghalang Pilipino (TP), in time for the […]
-
Panukalang pag-amyenda sa Contractor’s License Law, pasado na
Nagkakaisang ipinasa ng Kamara sa huling pagbasa ang House Bill 7808 o ang “Contractors’ License Law“. Sa botong 200, pasado na sa plenaryo ang panukala, na pangunahing iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., at naglalayong isulong ang kaunlaran sa pagnenegosyo ng pangongontrata, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahan sa konstruksyon sa mga […]