• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 bebot timbog sa tangkang pagpuslit ng P27K sigarilyo

KALABOSO ang tatlong bebot kabilang ang isang cashier matapos umanong magsabwatan para magpuslit ng nasa P27,600 halaga ng sigarilyo sa isang tindahan sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Myka Veronica Louise Bautista, 26 ng Escanilla St., Brgy. Concepcion, Jacklyn Jose, 21, cashier ng Sevilla St. Brgy. Tinajeros at Razna Sanglitan, 26, vendor ng Sto NiƱo St., Brgy. Concepcion na pawang nahaharap sa kasong Qualified Theft at Theft.

 

 

Sa imbestigasyon nina PMSg Julius Mabasa at PSSg Diego Ngippol, dakong alas-4:30 ng hapon nang magtungo si Sanglitan sa Jemms Shoppers Mart sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Acacia base sa instraksiyon sa kanya ni Bautista, dating checker at supervisor ng naturang tindahan upang kunin ang nasabing tinangay na mga item.

 

 

Matapos nito, ibinigay ni Jose, duty cashier sa naturang tinadahan, ang nasabing mga item na may kasamang lumang resibo ng biniling assorted items na may petsang June 11, 2021 na nasa P955 ang halaga kay Sanglitan at hindi lahat bayad.

 

 

Nang nasa labas na ng tindahan si Sanglitan bitbit ang mga item na nakalagay sa loob ng cartoon ay hinabol siya ng naka-duty na checker ng tindahan upang i-double check ang mga item sa loob ng cartoon at nadiskubre na ang resibong hawak nito ay hindi intended para sa items sa loob ng cartoon.

 

 

Nireport ang insidente sa mga barangay tanod at sa Malabon Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at narekober ang 240 packs ng Marlboro Red na nasa P27,600 ang halaga. (Richard Mesa)