• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at na-recruit para magtrabaho doon bilang mga domestic helper.

 

 

“Ang mga sindikatong ito ng trafficking ay nagpapatuloy sa kanilang mga karumal-dumal na aktibidad ngunit hindi namin luluwagan ang aming pagbabantay sa pagpigil sa kanilang mga biktima na umalis at maligtas mula sa kasamaan ng human trafficking,” anito.

 

 

Ayon kay Elsie ­Lucero, BI-NAIA T3 Terminal head,  naharang ang tatlong pasahero noong Marso 10 at 12 sa nasabing paliparan. Ang tatlo ay inilipat sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga recruiter. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19

    Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.     Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.     Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force […]

  • 1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen

    IPINAUBAYA  na  ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang  pagpapasya o discretion  kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen.   Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay.   […]

  • Car seats para sa mga bata ipapatupad

    Sinimulan kahapon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng restraining car seats para sa mga batang may edad 12 pababa sa mga pribadong sasakyan sa ilalim ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicles Act.     Sa ilalim ng Child Car Seat Law na nilagdaan ni President Duterte […]