• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 crew members nasagip ng PCG

TATLONG crew members ng isang nasiraang yate ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon ng mga lokal na otoridad malapit sa karagatan sakop ng Barangay Binalas, Lubang, Occidental Mindoro.
Sa ulat ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang PCG Sub-Station (CGSS) Lubang tungkol sa yate na ‘Annie Kim’ na nagkaaberya noong Nov.11.
Nakipag-ugnayan naman ang CGSS Lubang sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Lubang at agad na naglunsad ng search and rescue (SAR) operation.
Bahagya namang lumubog ang yate dahil sa masamang panahon.
Kabilang sa crew members, ang dalawang Filipino at isang Korean na nasagip at isinakay sa inarkilanh motorized banca at ligtas na nailipat sa sea ambulance.
Umalis ang yate sa Puerto Princesa ,Palawan patungong Subic,Zambales ng masalubong ang masamang panahon kasama ang malakas na hangin at malalaking alon na dahilan ng aberya.
Matagumpay namang nahatak ang yate sa  Sitio Tumibo, Barangay Tangal, Lubang, Occidental Mindoro, noong November 13, 2024 gamit ang drum na basyo na ibinigay ng  the MDRRMO. GENE ADSUARA
Other News
  • Dynamic Learning Program, ilulunsad para sa mga klaseng nakakansela dahil sa bagyo -DepEd

    INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na ilalabas ngayong buwan ang kanilang bagong programa na Dynamic Learning Program (DLP). Naglalayon itong maiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante dahil na rin sa mga sunod-sunod na pagkakansela ng mga klase dahil sa mga bagyo.     Ang Dynamic Learning Program (DLP) ay magbibigay sa mga […]

  • TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

    PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.     “This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga […]

  • 22-anyos na wanted sa rape sa Caloocan, laglag sa selda

    TIMBOG ang 22-anyos na kelot na nakatala bilang top 4 most wanted person sa Northern Police District (NPD) nang magbalik sa lugar kung saan niya isinagawa ang panghahalay may isang taon na ang nakalilipas sa Caloocan City.           Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section ng Caloocan police […]