3 drug personalities arestado sa buy bust sa Caloocan
- Published on April 24, 2021
- by @peoplesbalita
Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang 21-anyos na bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ni Danilo Magno alyas “Momoy”, 43, vendor, kaya’t isinailalim ito sa isang linggong validation.
Nang makumpirma ang ulat, agad nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Velasco St. Brgy. 7, Caloocan city dakong 1:35ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto suspek.
Narekober kay Magno ang dalawang medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, at P7,500 buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at pitong pirasong P1,000 boodle money.
Dakong 1:20 naman ng madaling araw nang madamba din ng mga operatiba ng SDEU si Mary Grace Quitalig “alya” Baby, 21, (Pusher) at Jomar Dimalanta, 32, driver matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Daryl Sablay na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa Calle 4, Brgy. 78.
Narekober sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at pitong piraso ng P1,000 boodle money. (Richard Mesa)