• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela

MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, kapwa ng Brgy. 178, Camarin ay resulta ng isang linggong validation na isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos ang natanggap na ulat mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Ani Col. Mina, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy-bust operation sa Langka St., Brgy. 178 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P8,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 45 grams ng hinihinalang shabu na nasa P306,000 ang halaga, at buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela Police si Francisco Balila sa buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy., Karuhatan dakong alas-6 ng Huwebes ng umaga.

 

 

Nakuha sa suspek ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P500 buy-bust money, P500 cash at plastic case. (Richard Mesa)

Other News
  • 7 drug suspects nalambat sa buy bust sa Malabon

    BAGSAK sa kalaboso ang pitong drug suspects, kabilang ang tatlong babae matapos makuhanan ng higit P87K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]

  • Ads July 6, 2022

  • PDU30, ibinahagi sa ASEAN na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa kalamidad dahil sa climate change…

    MARIING Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa Association of Southeast Asian Nations  (ASEAN)  ang pagkakaisa para matugunan ang  peligrong idinudulot ng mga kalamidad bunga na rin ng climate change.   Sinabi ng Pangulo sa Plenary Session hinggil sa isinagawang 37th ASEAN Summit,  na masyado nang bugbog  ang Pilipinas sa sunud- sunod na mga delubyong […]