• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspects, laglag sa higit P.4M shabu sa Caloocan

KALABOSO ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Robes1, Brgy., 175, Camarin nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na nag-aabutan umano ng droga dakong alas-11:20 ng gabi.

Subalit, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya, kumaripas ng takbo ang isa sa kanila at nakatakas habang nagawang madakma ng mga pulis si alyas “Dem”, 27, at nakuha sa kanya ang isang medium pastic sachet na naglalaman ng nasa 50 grams hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Nauna rito, alas-3:10 ng madaling araw nang masita naman ng mga tauhan ni Col. Canals ang dalawang lalaking pasaway city ordinance dahil walang damit habang gumagala.

Nang lapitan ng mga tauhan ng Police Sub-Stion 3 para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR), pumalag umano ang mga suspek saka tumakbo subalit, makalipas ang maikling habulan ay nakorner at naaresto sila ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek na edad 43 at 37-anyos ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 13 grams ng umano’y shabu na may street value na P88,400.00.

Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan si Col. Canals at kanyang mga tauhan sa kanilang pagbabantay sa kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Vin Diesel Teases at Eva Mendes’ Return In ‘Fast & Furious 10’

    VIN Diesel has teased the possibility of Eva Mendes returning to the Fast & Furious franchise in the forthcoming tenth installment.     The star and producer of the franchise is currently gearing up for the highly-anticipated F9: The Fast Saga slated to hit theaters on June 25 after numerous delays due to the global pandemic.     The […]

  • Mahaharap sa matinding hamon ang Philippine men’s football team para sa AFC Asian Cup Saudi Arabia 2027 Qualfiers sa susunod na taon.       Sa isinagawang draw nitong araw ng Lunes sa AFC House sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nahanay ang Pilipinas sa Tajiksitan, Maldives at Timor-Leste para sa third at final round ng […]

  • Updated list ng considered red, yellow, green countries inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) at nagbigay ng updated list ng “considered’ “Red,” “Yellow” at “Green” countries/jurisdictions/territories.   Ang bagong classification ay magiging epektibo sa Setyembre 19, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021.   Ang mga bansang kabilang sa Red List ay Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.   Samantalang ang mga bansang kabilang […]