3 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela
- Published on October 8, 2021
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang naarestong mga suspek na sina Jayson Abucot, 41, construction worker, Jonathan Pusing, alyas “Atan”, 36, pedicab driver, at Josie Santos, 21, pawang ng Pinalagad Brgy., Malinta.
Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-4 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng validation sa Area 1 Pinalagad, Brgy., Malinta, matapos ang natanggap na ulat mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa lugar.
Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay na naging dahilan upang sretuhin ang mga ito.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400, isang unseald transparent plastic sachet, cellphone at ilang drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Quiapo church magiging National Shrine na
PORMAL na tatawagin bilang National Shrine ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church. Ayon sa Department of Tourism and Arts of Manila na magsisimula itong tawagin sa darating na Enero 29. Kinumpirma rin ng pamunuan ng Quiapo church na nakatanggap sila ng abiso mula sa Catholic Bishops Conference […]
-
AFP dedma sa panawagan na bawiin ang suporta kay PBBM
DEDMA lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panawagan na bawiin ang suporta mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., wala itong saysay at maaari lamang mauwi sa posibleng “criminal investigation.” “The AFP is standing steadfast in upholding the Constitution under the leadership […]
-
Presidential Adviser for Creative Communication Paul Soriano, 3 opisyal ng Comelec, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM
OPISYAL nang nanumpa ngayon sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktor at film producer na si Paul Soriano na itinalaga bilang Presidential Adviser for Creative Communication. Kasama ni Soriano ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at anak na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano. HIndi naman lingid sa kaalaman […]