3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO.
Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET BASECO sa pangunguna ni PEMS Antonio V Verzo, MLET BASECO, Team Leader, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ John Stephanie Gammad, hepe ng Northern NCR MARPSTA, kaugnay sa All Hands Full Ahead sakay nang loaned Banca sa karagatan na sakop ng Navotas City.
Dito, naispatan ng tauhan ni Major Gammad ang isang puting motorized fishing banca na may markings na “FBCa DHENNY CRUS” na illegal na nangingisda sa naturang lugar gamit ang active gear o tinatawag na (Trawl).
Dahil malinaw na paglabag ito Section 95 (Use of Active Gear in Municipal Waters, Bays and other Fishery Management Areas), at Sec. 86 (Unauthorized Fishing) sa ilalim ng R.A. 10654 ay inaresto ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA ang kapitan ng naturang bangka at dalawang crew nito.
Nakumpiska sa mga dinakip ang kanilang Fishing Banca na may gross tonnage na 4.90, ang makina nito na Mitsubishi 67.11 KW, fish net na may humigit kumulang 200 metro, at tatlong banyera ng Alamang na may humigit kumulang 18 kilos.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 86 (Unauthorized Fishing), at Section 95 (Use of Active Gear in Municipal Waters, Bays and Fishery Management Areas) of R.A. 10654. (Richard Mesa)
-
Ads September 28, 2022
-
PBBM, itinalaga si dating DFA Sec. Locsin bilang special envoy to China for special concerns
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating foreign affairs Secretary bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns. Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media page nito. Hindi naman malinaw kung ano ang saklaw ng special concerns. Matatandaang, buwan ng […]
-
Ardina, Guce babalik-palo sa 16th SymetraTour 2021
KAPWA balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 sina Dottie Ardina at Clarissmon Guce sa paghampas sa 16th Symetra Tour 2021 fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa Abril 23-25. Galing lang ang edad 27, 5-2 ang taas, isinilang sa Canlubang, Laguna at pitong taong […]