3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie Rivera, 35, messenger, kapwa ng Sampalok, Manila, at Jeric Sy, 52 ng 5th Avenue Brgy. 53 ng lungsod.
Base sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-12:05 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni PMAJ Jerry Garces nang parahin nila ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo dahil walang suot na mga helmet.
Gayunman, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at tinangkang tumakas ng mga ito na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa bumangga sa nakaparadang truck si Sy habang naaresto naman ang dalawa niyang kasama.
Nang kapkapan, nakuha ni PCpl Joeph Young kay Sy ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000 habang narekober naman ni PCpl Christian Malinao kay Rivera ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000.
Nasamsam naman ni PSSg Ernesto Camacho kay Filiciano ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng shabu na may standard drug price P680,000 at isang weighing scale.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, RA 10054 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (Richard Mesa)
-
Doc Willie Ong, di pa rin naghahain ng withdrawal of candidacy
HINDI pa rin nakakapaghain ng kanyang withdrawal of candidacy si Dr.Willie Ong,ayons a Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na hinihintay pa rin nila ang opisyal na pag-atras ni Ong na ngayon ay nakaratay sa kanyang karamdaman. Noong Pebrero 13, inanunsyo ni Ong sa social media ang kanyang pag-withdraw […]
-
Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque
EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh. Hindi naman nabanggit niSec. […]
-
Kelot na nagpakilalang pulis arestado sa Malabon
BAGSAK sa kalaboso ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon city. Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art 177 of RPC) ang naarestong suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26 ng Blk 9, Lot 31, 4th St. Brgy. Tañong. Ayon kina Malabon police […]