3 koponan ng PSL papahinga sa 2021
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
SINIWALAT na ng Philippine SuperLiga (PSL) ang mga programa para sa taong 2021, pero magpapahinga muna ang tatlong koponan ng semi-professional women’s volleyball league.
Hindi na muna maglalaro ng isang taon sa liga ang Petron Blaze Spikers, Generika-Ayala Lifesavers at Marinerang Pilipina Lady Skippers dahil sa rason nilang may pandemya pa ng Covid-19.
Pero may isang koponan sa karibal na liga (ang nag-pro nang Preimer Volleyball League) ang magiging kapalit ng tatlo bilang team muna sa PSL, ang PetroGazz Angels.
Ang mga hinanay na palaro nina PSL chairman Philip Ella Juico at president Adrian Laurel ay ang ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Pebrero 25-27, Fans Day sa Marso 7, All-Filipino Conference sa Mar. 13 at PSL Collegiate Grand Slam sa Hulyo 10-Agosto 14.
Hiwalay pa ayon sa dalawang opisyal rito ang pagbahagi ng liga sa mga lalahukan ng bansa na torneo sa abroad kagaya ng 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam at iba pa.
Ang mga koponan pang kasapi sa PSL ay ang F2 Logistics Cargo Movers, Cignal HD Spikers, Chery Tiggo Crossovers, Sta. Lucia Lady Realtors at PLDT Fibr. (REC)
-
Duterte bakuna ng China ang ipapaturok
Dahil mauunang dumating sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa China, ito ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na ang bakuna mula sa Russia at sa China ang pinagpipilian ng Pangulo. “Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at […]
-
AstraZeneca binigyan na ng EUA ng FDA
Binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang AstraZeneca para sa paggamit sa bansa ng COVID-19 vaccines. Ayon kay FDA Director General Eric Domingo na batay sa mga datos, mas lamang ang benepisyo sa nasabing bakuna kaysa sa peligrong maaaring iudulot nito. Sa unang dose, […]
-
Dahil sa kilig Tiktok videos nila ni RAYVER: JULIE ANNE, umaming nagulat sa pag-unfollow sa kanya ni JANINE
DAHIL sa mga kilig Tiktok videos ni Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ‘di napigilang tanungin si Julie tungkol sa pag-unfollow sa kanya sa social media ng ex-girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez. “Nagulat na rin lang po ako. But to be honest, wala na po sa akin ‘yun. May kanya-kanya […]