3 laro ang magbubukas sa PBA Philippine Cup
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
TATLONG sultada ang magtataas ng kurtina sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Biyernes Hulyo 16.
Sinapubliko ng professional hoop league Huwebes ang skedyul makaraang walang magpositibo sa Covid-19 base sa RT-PCR tests ng 10 team at mga tauhan ng liga na ginawa noong Martes.
Alas-11:00 nang umaga ang pambungad na seremonya na pangungunahan nina Commissioner Wilfrido Marcial at chairman Victorico Vargas ng Talk ‘N Text.
Binyagan agad sa alas-12:30 nang tanghali ang Alaska Milk at Blackwater, sa alas-3:00 nang hapon ang Rain or Shine at North Luzon Expressway, at sa alas-6:00 nang gabi ang Manila Electric Company at NorthPort.
Tututukan sa Aces si veteran Jeron Teng at ang mga bagitong sina Ben Adamos at Taylor Browne, habang sa Bossing sina rookie Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras.
Sina Kiefer Isaac Ravena, Kevin Louie Alas at rookie Calvin Oftana ang mamumuno sa Road Warriors sa Elasto Painter na gigiyahan nina Beau Belga, Gabe Norwood, Javee Mocon, James Yap at Rey Nambatac, at bagong saltang si Santi Santillan.
Mangunguryente naman sa Bolts sina Aaron Black at Chris Newsome, newbie Alvin Pasaol at sa Batang Pier si Gregory William Slaughter.(REC)
-
Pasok sa trabaho sa mga govt offices sa Abril 5, suspendido simula alas-12:00 ng tanghali
SINUSPINDE na ng Malakanyang ang trabaho sa government offices sa Abril 5, 2023 mula alas-12 ng tanghali, araw ng Miyerkules upang bigyan ng sapat na oras at panahon ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe, papunta sa o pauwi mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ito’y bilang pagtalima na rin sa regular […]
-
PNP susuriin ang alegasyon na ‘election sabotage’
SUSURIIN umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga umano’y ulat na sasabotahe sa pagsasagawa ng halalan sa Mayo 9 gaya ng iginiit ng apat na kandidato sa pagkapangulo. Sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na wala pa silang na-encounter na ganoong ulat sa ngayon, ngunit nangakong kukunin ang mga detalye mula […]
-
Ads April 16, 2024