• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan

Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon.

 

Ang nasabing tatlong stations ay sinara matapos na  masunog ang 2 power rectifiers o transformers noong October 2019.

 

Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.

 

Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.

 

Dahil sa mga pangyayari ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagpadala ng apat (4) na buses upang isakay ang mga pasahero na walang masakyan ng walang bayad. Nagdagdag rin ng apat (4) na buses ang Philippine Coast Guard (PCG) noong nakaraang Sabado. Kung kaya’t mayron walong (8) buses na kabuohan ang pumapasada mula Santolan hanggang Cubao at vice versa.

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) naman ay nagpalakad din ng 20 modernized public utility vehicles upang isakay ang mga pasahero mula sa Santolan papuntang Cubao.

 

Samantala, nagbigay naman ng rekomendasyon si DOTr Secretary Arthur Tugade sa LRTA na kung maaari ay buksan na ang dalawang LRT2’s East Extension project, ang Marikina at Antipolo sa darating na April 26.

 

“Let us finish it right away so the Filipino people can enjoy these stations,” wika ni Tugade. Sinabi niya ito kay Ambassador Kazuhiko Koshikawa kasama ang iba pang DOTr officials ganon din ang representatives ng project proponents na D.M. Consunji Inc. at Marubeni Corp. at ang partner na Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.

 

Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng  ng karagdagang humigit kumulang  na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)

Other News
  • Task Force El Niño, paiigtingin at muling magpupulong para talakayin ang collective action

    TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino.     Base […]

  • Mas mataas na bilang ng dadalo sa SONA, inaasahan

    Tinataya ni House Secretary General Reginald Velasco, sa isinagawang press briefing nitong Martes, na ang attendance sa State of the Nation Address (SONA) ngayon taon ay pinakamalaki base sa ginawang kumpirmasyon na natanggap ng kanyang tanggapan mula sa ma imbitadong bisita. “We may be opening some viewing rooms for the additional guests kasi overwhelming yung […]

  • Panukalang 15-day paid ‘family, medical leave’ inihain sa Senado

    INIHAIN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang isang panukalang batas na siyang layong bigyan ang bawat ng empleyado ng 15 araw para alagaan ang mga kamag-anak na may sakit o kaya naman ang sarili.     Isinusulong ng Senate Bill No. 24 o “Family and Medical Leave Act of 2022” ang “15 days of […]