3 MENOR DE EDAD NA KABABIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) kung saan isang Filipina ang nagpadala sa isang American national ng mga hubad na larawan ng kanyang menro de edad na anak at dalawang kaibigan kapalit ng pera sa pagitan ng 2018 at 2019.
Nalaman na dahil sa mga ipinadala, nakatanggap ng nasabing Filipina mula sa American cititzen ng kabuuang USD 2,680.oo sa pagitan ng April hanggang August 2019. Ang nasabing mga porn materials ay ipinadala sa facebook App.
Ang nasabing Filipina ay nakilala ng NBI-AHTRAD kaya nagsagawa ng surveillance operation sa kanilang lugar kung saan nalaman na isa sa mga biktima ay anak nito at nasa kanyang pangangalaga.
Upang malaman ang dalawa pang kasama ng menor de edad na biktima ay humingi ng tulong ang NBI-AHTRAD sa principal ng dalawang bata kung saan sila ay nag-aaral na naibigay naman ng Principal ng eskuwelahan ang pangalan ng kanilang mga magulang at kanilang address at nitong January 8, 2021, ay nagsagawa ng operasyon ang NBI, Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) at Dasmariñas City , Cavite, City Social Welfare and Development Office (CSWD) na nagresulta sa pagkakasalba ng mga menor de edad saka ito in-turn over sa isang shelter sa Rizal. (GENE ADSUARA)
-
Nag-sorry kung na-hurt sa kanyang joke: DINA, walang intensyon na pasaringan si ALEX tungkol sa pagpapahid ng cake
SINABI mismo ni Dina Bonnevie na wala siyang anumang intensyon o pananadya na pasaringan si Alex Gonzaga nang magpaalala siya na hindi dapat ipinampapahid sa tao ang cake nang magdiwang siya ng kaniyang kaarawan kamakailan. “It was a joke,” pahayag ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda” episode nitong Martes. […]
-
Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA
Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million. Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging […]
-
HR Defenders bill, mapanganib- NTF-ELCAC
MAPANGANIB at maaaring labag sa Saligang Batas ang Human Rights Defenders bill. Bahagi ito ng kalatas na ipinalabas ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang batas sa pangatlo at huling pagbasa noong nakaraang Lunes, na may 200 affirmative votes, zero negative, at […]