• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan at Valenzuela

TATLONG katao na pawang wanted sa kaso ng panggagahasa ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:25 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera si Jommel Cawasa, 41, franchise manager at residente ng Blk 6, Lot 15, Valenzuela Heights, Bignay, Valenzuela City sa Samson Road, Brgy., 80, Caloocan City.

 

 

Ani Maj. Rivera, si Cawasa ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Primo Elvin Lobina Siosana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 128, Caloocan City noong August 29, 2023, para sa kasong Rape.

 

 

Alas-7:08 ng gabi nang madakip naman ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni P/Lt. Armando Pandeagua Jr, sa manhunt operation sa Blk 8, Brgy. 35, si Jose Allan Mogol, 28, ng Blk 6, Area 2, Sawata Maypajo.

 

 

Ayon kay DSOU chief P/Lt. Col. Robert Sales, si Mogol ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng RTC Branch 131, Caloocan City noong July 10, 2023, para sa kasong Rape.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista sa ikinasang manhunt operation sa kahabaan ng Camela Vera, harap ng Happy Go Mall sa Brgy. Bignay dakong alas-3:15 ng hapon si Joseph Montillano, 51, ng A. Marcelo Street,

 

 

Sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, si Montillano ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City noong September 7, 2023, para sa kasong Statutory Rape.

 

 

Pinapurihan naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang DSOU, Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong MWP. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 16, 2022

  • Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

    MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.     “I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a […]

  • Gobyernong Duterte, determinado na patunayan na hindi magiging kulelat ang ‘Pinas na makamit ang herd immunity laban sa Covid-19

    DETERMINADO ang pamahalaang Duterte na patunayan sa foreign think tank na mali ang projection nito na magiging kulelat ang Pilipinas sa hanay ng mga bansa sa Asya na makakamit ang herd immunity laban sa coronavirus.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas maraming coronavirus vaccines ang ia-administer sa mga tao bunsod na rin […]