• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activity ni Jestonie Buracan, 19, at Aldrin Jeff Sanfelipe, 22 at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma nila na totoo at maaasahan ang ulat.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles ng buy bust operation sa Santa Rita St., Brgy. 188, Tala dakong 1:25 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Jorlan DS Declaro na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000. 00 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 fake/boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, sinunggaban nina PSSg Gabby Migano at PSSg Samson Mansibang si Antonio Fajardo Jr., alyas “Kulet”, 38, matapos bentahan ang isa sa kanila na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Lord’s Candle St., Brgy. Paso De Blas dakong 9:15 ng gabi.

 

 

Ani SDEU PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200 ang halaga, buy bust money, P300 cash, cellphone, pouch at Yamaha Mio motorcycle. (Richard Mesa)

Other News
  • Burado na ang posts ng vlogger at humingi ng tawad:ANDRE, binuweltahan ang nagpakalat ng mga paninira kay KOBE

    BINUWELTAHAN ni Andre Paras ang isang content creator na nagpakalat ng mga maling akusasyon laban sa kapatid na si Kobe Paras at tila pinalalabas na bad person.Sa Facebook page niya, isang mahabang post ni Andre ang mababasa na kung saan sinamahan niya ito ng mga screenshot ng profile ng content creator.Makikita rin ang screenshots ng […]

  • Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos sa halip na 60

    PARA mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo, nais ni Sen. Bong Revilla na ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa halip na 60 taong gulang. Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo. Sa sandaling maisabatas, lahat ng […]

  • COVID-19 situation sa NCR mas mabuti na ngayong 2021 kaysa nakalipas na taon

    Mas maganda na ang sitwasyon ngayon ng National Capital Region (NCR) sa harap ng COVID-19 pandemic kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon, ayon sa OCTA Research group.     Kabilang sa mga indicators na kinunsidera ng grupo para masabi ito ay ang average daily cases, reproduction number, daily attack rate, active cases, at positivity […]