3 NBA games kinansela
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi itinuloy ang nakatakdang tatlong laro sa NBA playoffs games kahapon, (August 27) matapos magpahayag ng boycott ang mga koponan bilang protesta sa umano’y nagaganap na krimen kontra sa mga Black-American.
Ayon sa ulat, kinansela ang laro ng Milwaukee Bucks vs Orlando Magic, Los Angeles Lakers vs Portland Blazers at Oklahoma City Thunder vs Houston Rockets bilang protesta sa umano’y walang kwentang pamamaril ng kapulisan kay Jacob Blake, isang American-African mula sa Kenosha, Wisconsin.
Sa ipinagpalibang laro ngayong araw, target sanang tapusin ng Bucks ang round 1 ng playoffs kontra Magic habang target din ng Lakers na umusad na sa semis at gibain na ang Blazers habang magsasagupa ang Thunder at Rockets na tabla sa serye.
Unang nagpahayag ng boycott sa laro ang Bucks na sinundan ng suporta ng mga team sa NBA bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa nagaganap na krimen kontra sa mga Black-American.
Sinundan ito ng Lakers bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa nagaganap na krimen kontra sa mga negro.
Ililipat na lang ang mga kinanselang laro sa ibang araw, ayon sa NBA. Hindi itinuloy ang nakatakdang tatlong laro sa NBA playoffs games kahapon, (August 27) matapos magpahayag ng boycott ang mga koponan bilang protesta sa umano’y nagaganap na krimen kontra sa mga Black-American.
Ayon sa ulat, kinansela ang laro ng Milwaukee Bucks vs Orlando Magic, Los Angeles Lakers vs Portland Blazers at Oklahoma City Thunder vs Houston Rockets bilang protesta sa umano’y walang kwentang pamamaril ng kapulisan kay Jacob Blake, isang American-African mula sa Kenosha, Wisconsin.
Sa ipinagpalibang laro ngayong araw, target sanang tapusin ng Bucks ang round 1 ng playoffs kontra Magic habang target din ng Lakers na umusad na sa semis at gibain na ang Blazers habang magsasagupa ang Thunder at Rockets na tabla sa serye.
Unang nagpahayag ng boycott sa laro ang Bucks na sinundan ng suporta ng mga team sa NBA bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa nagaganap na krimen kontra sa mga Black-American.
Sinundan ito ng Lakers bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa nagaganap na krimen kontra sa mga negro.
Ililipat na lang ang mga kinanselang laro sa ibang araw, ayon sa NBA.