• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE

TATLONG  ospital sa National Capital Region (NCR) ang  tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital  kabilang ang UP-Philippine General Hospital,  Lung  center of the Philippines at Dr. Jose Memorial Rodriquez Hospital ang unang mabibigyan ng bakuna kontra Covid-19.

 

Nilinaw ng kalihim na uunahin ang buong ospital hindi lamang ang health care worker kundi ang maging ang admin staff .

 

Nais ng kalihim na ma-preserve ang institutional safety sa halip na indibidwal .

 

Ayon pa sa Kalihim, kailangan mabigyan ang buong institusyon ng bakuna dahil kung hindi mababakunahan lahat ay hindi makakapagtrabaho ang mga medical workers .

 

Kaugnay nito, tintiignan din ng kalihim ang Davao at Cebu City  dahil  mataas din ang kaso ng  sakit . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern

    HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19.     Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern.     Muli niyang hinikayat ang publiko […]

  • Bukod sa comeback project niya sa GMA: VINA, pinaghahandaan din ang mga shows abroad

    HINDI lang pala sa comeback project niya sa GMA abala si Vina Morales kundi pati sa paghahanda sa mga gagawin niyang shows abroad. Inamin ni Vina na na-miss niya ang mag-concert at gusto niyang magpasaya sa maraming Pinoys abroad. Pero unahin daw muna niya ang tinanguan niyang teleserye na ‘Cruz Vs. Cruz.’ “Kung ano ‘yung […]

  • Natutunan kay coach Mune, ibabahagi ni Yulo

    SALUDO si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo kay Japanese coach Munehiro Kugimiya dahil malaki ang nai-ambag nito kung nasaan man ito ngayon.     At hangad ni Yulo na makatulong sa iba pang gymnasts na nais masundan ang kanyang yapak.     Target nitong maibahagi ang magagandang aral na natutunan nito noong hawak […]