• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PBA star players, dumalo sa blessing ng bagong renovate na sports complex sa Navotas

DUMALO bilang espesyal na mga panauhin ang tatlong star players ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbubukas ng bagong renovate na sports complex sa Navotas City, kasabay ng pagdiriwang ng ika-16 na Anibersaryo nito.

 

 

Nagtatampok ang bagong ayos na pasilidad ng full-length na basketball court, fully air-condition na mga dugout, at espasyo para sa gym.

 

 

Hinihikayat ng tatlong PBA players na sina LA Tenorio, Terrence Romeo, at Paul Lee ang mga Navoteño, lalo na ang mga kabataan, na pumasok sa sports at magpatibay ng aktibong pamumuhay.

 

 

“The Navotas Sports Complex bore witness to some of our city’s milestone events. Most notably, this place served as our mega swabbing and vaccination center during the peak of the pandemic,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

“We have improved the facility to provide a better experience to Navoteños when we hold events here,” dagdag niya.

 

 

Samantala, hinihimok naman ni Cong. Toby Tiangco ang mga mamamayan na pangalagaan ang complex para mas matagal itong magamit.

 

 

Pagkatapos ng blessing, sumunod ang isang exhibition game sa pagitan ng Team JRT, na binubuo ng mga konsehal ng lungsod, at ng Team DepEd Navotas, na kinabibilangan ng Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at mga guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Navotas.

 

 

Dinomina ng Team JRT ang kompetisyon na may isang puntos na kalamangan, 81-80. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads October 1, 2021

  • DILG, magsasagawa ng “quarterly recognition” sa gagawing pagpapatupad ng LGUs sa Kalinisan Program ni PBBM

    MAGSASAGAWA ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng quarterly recognition sa mga Local Government Units (LGUs) na episyenteng ipatutupad ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Matagumpay na inilunsad kasi ang KALINISAN program, araw ng Sabado sa pamamagitan ng isang national […]

  • Higit P1 milyon shabu, nasabat sa HVI tulak sa Caloocan

    KALABOSO ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu makaraang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.       Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit […]