• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 prominenteng pangalan, pagpipilian ni PDu30 na kanyang ie-endorso sa bilang kanyang maging successor

MAY tatlong prominenteng pangalan na ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang magiging successor kapag ang kanyang anak na si Davao Mayor Sara Duterte at ang kanyang dating close aid na ngayon ay Senador Bong Go, ay hindi tatakbo sa 2022 presidential elections.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang “choice” ni Pangulong Duterte ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at dating Senador Bongbong Marcos.

 

“In the end, kapag hindi tumakbo si Sara, hindi tumakbo si Bong Go, because he will only run for president if the president will run for vice president, the president will have to choose who has the number,” ayon kay Sec.Roque.

 

“He will have to choose from Isko, Manny Pacquiao, and Bong Bong Marcos kasi wala naman nang iba,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang binanggit ni Mayor Sara na maaari siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2034 at hindi sa 2022.

 

Aniya pa, ang kandidato na ie-endorso ng Pangulo sa nasabing eleksyon ay “big deal” sa kanyang approval rating na daat ay anatiling mataas.

 

“The presidential endorsement will be formidable. Not only that, it’s not just the endorsement, it’s the machinery of government that will be working for the anointed candidate of the president,” anito.

 

At sa tanong kung tatakbo siya sa 2022 elections ay sinabi ni Sec. Roque na hindi siya sigurado.

 

“When you want to serve, you need to have the resources. So ako po, talagang hindi pa sigurado rin kasi nga it really depends if I have the resources,” pahayag nito.

Other News
  • PCSO, namahagi ng 7 ambulansiya

    NASA pitong ambulansiya ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa limang munisipalidad, mga sundalo at isang pagamutan, sa ilalim ng kanilang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program.     Mismong si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” Robles ang nanguna sa pamamahagi ng mga naturang ambulansiya sa mga benepisyaryo, sa isang […]

  • ‘Di rin sila nakaligtas sa ‘7-year itch’: BARBIE, kinumpirma na totoong hiwalay na sila ni JAK

    KINUMPIRMA na nga ni Barbie Forteza sa kanyang post kagabi, ika-2 ng Enero na totoong naghiwalay na sila ng boyfriend for seven years na si Jak Roberto. Sinimulan niya ang IG post ng isang quote kasama ang ilan larawan nila ni Jak… “Don’t cry because it’s over. Smile because it happened – Dr. Seuss.” “Having […]

  • Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo

    SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto. Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline. Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, […]