• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 pumping stations, school covered court pinasinayaan sa Navotas

SA layunin ng Navotas na palakasin pa ang kanilang panlaban sa baha at community facilities, pinabasbasan at pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang tatlong bagong pumping stations at school covered court.

Ang Navotas ay mayroon na ngayon kabuuang 87 estratehikong lokasyon na mga pumping station sa buong lungsod na matatagpuan sa Milflores St. sa Brgy. Tanza 2, M. Naval St. sa Brgy. Sipac-Almacen, at Taganahan St. sa Brgy. Bagumbayan South.

Samantala, ang bagong tayong covered court ay matatagpuan naman sa Dagat-dagatan Elementary school.

“We are building not just structures but stronger foundations for a safer and more progressive Navotas. These additional pumping stations will significantly reduce flood risks, safeguarding lives and livelihoods, especially during high tide and typhoon season,” ani Mayor Tiangco.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng bagong itinayong school facility.

“Education must continue, rain or shine. This covered court will provide students with protection from extreme heat and heavy rains, allowing them to focus on their school activities without disruption,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Congressman Tiangco, sa kanyang mensahe, ang mahalagang papel ng komunidad sa pagtiyak na mananatiling epektibo ang mga hakbangin sa pagkontrol sa baha ng lungsod

“Our pumping stations are powerful tools against flooding, but their effectiveness depends on all of us. Proper waste disposal and environmental responsibility are key to keeping them functioning optimally. Taking care of Navotas is a shared duty—let’s do our part to keep our city clean, safe, and flood-free,” pahayag naman ni Cong. Tiangco.

Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Vice Mayor Tito Sanchez, mga miyembro ng konseho ng lungsod, mga barangay chairperson, at mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways Malabon-Navotas District. (Richard Mesa)

Other News
  • Magkikita-kita muli – Jimmy Alapag

    HINDI pamamaalam at sa halip ay pagkikitang muli sa lalong madaling panahon ang minensahe ni dating ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag sa paglisan niya at kanyang pamilya para bumalik sa Estados Unidos ng Amerika.   “Hard to put into words the […]

  • Mayor Along naghain na ng COC

    NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central.     Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si […]

  • Highly-Anticipated Films to Watch This Second Half of 2021

          BECAUSE of the COVID-19 pandemic, 2020 has been a tough year for the film industry, especially with all the film releases getting postponed to a later date.    Here’s a rundown of some of the highly-anticipated films we’re all looking forward to catching in cinemas this second half of 2021!   Check […]