• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PVL venue pasado na

NALALAPIT nang bumalik sa ere ang Premier Volleyball League (PVL) nang pumasa sa Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league para sa bubble training camp sa Abril.

 

 

Ayon kay PVL president Richard Palou, prub kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra ang Ronac Gym sa Mandaluyong City,  at ang The Arena  at  Greenhills West Gym na parehong nasa San Juan City.

 

 

Tokang mag-ensayo ang Creamline, BanKo Perlas at Choco Manyo sa Ronac, ang Petro Gazz sa Arena at ang Peak Form sa Greenhills.

 

 

Sa mga headquarter na lang nila na nasa Fort Bonifacio sa Taguig mga pagsasanay ang Philippine Army at at Philippine Air Force na mga guest team sakaling mag-open na ang liga sa darating na Mayo.

 

 

“Si Chairman Baham (Mitra) naroon upang makita ang venue, napakalaki ng suporta niya,” sabi ni ni PVL president Richard Palou. “Sa katunayan, inatasan niya ang kanyang team na magbigay ng buong suporta sa mga koponan at liga.”

 

 

Patapos na pahayag ni Palou na sa Mayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna balak nilang isagawa ang unang torneo. (REC)

Other News
  • Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello

    Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.   “Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit […]

  • Polidario, Magdato wagi

    IBINAON  nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport.     “Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league […]

  • Serena Williams umatras na sa pagsali sa US Open

    Umatras na si Serena Williams sa pagsali sa US Open.     Sinabi nito na hindi pa gumagaling ang kaniyang torn hamstring injury kaya minabuti niyang umatras sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo.   Natamo nito ang kaniyang injury sa nagdaang Wimbledon.     Dahil dito ay naging malabo na makamit nito ang […]