• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon

Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city.

 

 

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang huli at isang batang lalaki.

 

 

Nang makita ng biktima, tinangka nitong umawat subalit humablot ang galit na suspek ng isang bote ng beer saka binasag at iwinasiwas sa biktima na naging dahilan upang magtamo ito ng malalim na sugat sa kanang hita.

 

 

Isinugod ang biktima sa San Lorenzo Ruiz Womens Hospital at kalaunan ay inilipat sa Valenzuela General Hospital kung saan ito patuloy na ginagamot habang nadakip naman ang suspek.

 

 

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Ronald Gutierrez, residente sa naturang lugar matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan malapit sa lugar kung saan naganap ang kaguluhan na kinasangkutan ng mga menor-de-edad.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Samantala, dakong 11 ng gabi, nakaupo sa kanyang pedicab habang naghihintay ng pasahero sa harap ng Master Garden, Brgy. San Agustin ang 36-anyos na pedicab driver na si Elmer Delos Angeles nang komprontahin at sapakin saka saksakin sa leeg ng kapwa pedicab driver na si Joey Lacson, 32.

 

 

Matapos nito, tumakas ang suspek subalit sumuko naman kalaunan sa Brgy. San Agustin habang isinugod naman ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan. (Richard Mesa)

Other News
  • Kinunan habang nagso-shooting sa Coron, Palawan… ANDREA, pasabog ang kaseksihan sa suot na one piece swimsuit

    ABA, pasabog ang sexy pictures na ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account.          Napaka-sexy naman talaga ni Andrea sa kanyang one piece swimsuit pero halos kitang-kita naman ang kanyang flawless skin, pati ang kanyang buttocks or backside. At habang may hawak itong buco.     Obviously, sa shooting ng pelikula niyang […]

  • Pagbawi sa moratorium sa oil at gas exploration sa WPS, pag-exercise lang ng sovereign rights ng Pilipinas

    SINABI ni Energy Secretary Alfonso Cusi na in- exercise lamang ng Pilipinas ang sovereign rights nito nang bawiin ng pamahalaan ang moratorium sa oil at gas exploration sa tinaguriang resource rich West Philippine Sea, pinagtatalunang teritoryo.   Ani Cusi, ang pagbawi sa ban ay hindi nakapagpahina sa posisyon ng bansa sa maritime dispute.   “This […]

  • 576,352 kabuuang bilang ng virus

    Mula sa 2,921 kahapon, bahagyang bumaba sa 2,113 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Ang nasabing oras ay halos kasabay […]