• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 timbog sa buy bust sa Malabon

Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Amado Amano, 50, Blesilda Dela Cruz, 48, kapwa ng Alupihang Dagat St. Brgy. Longos at Susan Enamno, 57 ng NAIA Pasaya city.

 

 

Ayon kay PSSg Salvador Laklaken Jr., dakong 11:05 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano ng buy bust operation sa Alupihang Dagat Street.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ni Amano at Dela Cruz ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.57 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P105,876.00 ang halaga at marked money.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, inulit ang pagsusulong para sa ratipikasyon ng RCEP

    MULING inulit ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan ang  ginagawang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal,  kung saan ‘signatory’ ang Pilipinas.     Kamakailan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  sa ipinalabas nitong kalatas na itinutulak ng Pangulo […]

  • Hahanapin nila ang ‘the best of the best’ sa ‘Pinas: RUFA MAE, mag-a-apply bilang receptionist sa isang ‘secret place’

    MULING magsasanib-puwersa ang GMA Public Affairs at YouTube Philippines para sa espesyal na digital series – ang “Philippines’ Number 1,” tampok ang ilan sa mga pinakahinahangaang content creators sa bansa. Eksklusibong mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube channel simula Setyembre 22.     Ang Pilipinas, tila isang bansang hitik sa ‘pinaka’ at ‘numero uno.’ […]

  • Pagtama ng COVID 19 kay Vaccine czar Carlito Galvez at sa pamilya nito, katunayan na hindi dapat pang magpaka- kampante- Sec. Dizon

    HINDI dapat maging kampante ang publiko laban sa Covid 19 matapos na tamaan ng nasabing sakit si Chief Implementer Carlito Galvez at pamilya nito.     Malinaw lamang ani Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na naririto pa ang virus sa bansa.     Bahagi ito ng naging ulat ni Dizon kay Pangulong Rodrigo Roa […]