• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst

HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang magla­laban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm.

 

 

Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi na mangyayari na may ikatlong makakadikit sa halalan.

 

 

Kabaligtaran ito sa pahayag ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno nitong umpisa ng Abril na magkakaroon ng “three-way race” sa halalan.

 

 

“We see that by this time a leading candidate, in this case (former) Sen. (Ferdinand) Marcos Jr, and running a second, maybe far second but building a momentum, is Vice President Leni Robredo,” paliwanag ni Manhit.

 

 

Sinabi pa niya na ang pangunguna ni Marcos ay maaaring ituro sa pagsasanib ng puwersa ng mga Duterte at mga Marcos. Sa kabila nito, tumataas naman ang suporta kay Robredo dahil sa diwa ng volunteerism.

 

 

Ngunit hindi naman umano ito nakataga sa bato dahil sa sinasabing may 40 porsyento pa ng mga Pilipino ang maaaring magbago ng kanilang iboboto. Ang hamon na lamang umano ay kung paano ito gagawin ng mga kandidato at paano mako-convert ang mga botante. (Daris Jose)

Other News
  • Unraveling the Mystery: “Madame Web” Debuts with Stunning Character Posters

    GET ready for a web of mystery and power as “Madame Web” reveals the heroic faces behind the masks in stunning new posters.     Dakota Johnson leads an exceptional cast in Sony’s Spider-Man Universe, promising a groundbreaking cinematic experience.   Sony’s Spider-Man Universe is about to be revolutionized with the release of “Madame Web”, […]

  • DOMINIC, ‘guwapong-guwapo sa sarili’ at masuwerte kay BEA ayon sa netizens; trending ang photo na magka-holding hands

    TRENDING na naman dahil pinag-uusapan ang netizens ang photo na magka-holding hands sina Bea Alonzo at Dominic Roque, kasama ang isang kaibigan na kuha sa Japanese resto.     Nag-viral din ang photo ng rumored couple nang makitang magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo, na tiyahin ni Dominic at malapit talaga sila.     […]

  • BBM planong gamitin sa buong bansa ang estilo ng agrikultura sa N. Ecija

    IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes.     Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa […]