30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.
Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang pagkalat pa ng bird flu virus, na sinasabing nakakaapekto rin sa mga tao.
Iniuugnay ng DA ang avian flu outbreaks sa ibang bansa sa mga migratory birds, na kadalasang dumadaan din sa Pampanga.
Noong Hulyo 23, inanunsyo ng DA na kontrolado na nila katuwang ang lokal na pamahalaan ng Jaen, Nueva Ecija ang pagkalat ng avian influenza. (Gene Adsiuara)
-
Construction ng $11 B Sangley airport deal nakuha ng Yuchengco lead-group
ISANG consortium na pinangungunahan ng Yuchengco Group kasama ang Cavitex Holdings at grupo ni Lucio Tan sa ilalim ng MacroAsia Corp. ang nakakuha para sa pagtatayo ng $11 billion na Sangley Point International Airport (SPIA). Nakuha ng consortium kasama ang mga foreign partners nito mula sa provincial government ng Cavite ang notice of award […]
-
COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert
Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto. Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw. Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy […]
-
DepEd: 93% na sa public schools, may gamit sa online learning
Aabot sa 93 percent ng mga pampubli kong paaralan na ang may mga gamit para sa online learning para sa school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd). “There are 1,042,575 devices in 43,948 public schools all over the country. These are computers, laptops, tablets that can be used by learners. Additionally, we’ll deliver […]