300 empleyado ng PAL, tanggal
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
DAAN-DAANG empleyado ng Philippine Airlines (PAL) ang naapektuhan ng ipinatupad na “business restructuring” ng airline dahil sa epekto ng COVID-19.
Ayon sa pahayag ng PAL, nagpatupad sila ng “voluntary separation initiative” para sa matatagal na nilang mga empleyado at nagkaroon din ng “retrenchment process”.
Nagresulta ito sa pagka-katanggal sa trabaho ng nasa 300 mga ground-based personnel ng PAL.
Tiniyak naman ng PAL na makatatanggap ng karampatang separation benefits, dagdag na trip pass privilage at tulong gaya ng career counseling ang mga apektadong empleyado.
Sinabi ng PAL na makatu-tulong ang ipinatupad na streamlining sa mga nawala o nalugi sa kumpanya bunsod ng mga ipinatupad na travel restrictions at flight suspensions sa mga lugar na apektado ng COVID-19. (Daris Jose)
-
Bolick, Fernandez mayroong iringan
HINDI naging maayos ang samahan nina Evan Nelle at San Beda University men’s basketball coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III Taliwas ito kay ex-Red Lion at ngayo’y Philippine Basketball Association (PBA) star Robert Lee Bolick Jr. at sa Beda bench tactician din. Siniwalat nang kasalukuyang naglalaro na sa Terrafirma Dyip, na naging mabuti ang […]
-
Nagbabalik si Borgy para makipagkulitan: Sen. IMEE, nag-bargain hunting sa Europa gamit ang katutubong bayong
PATULOY na ibinabahagi ni Senador Imee Marcos ang kanyang European adventure habang dinadala ang kanyang tapat o loyal na ‘Imeenatics’ sa isang natatanging ekspedisyon – istilong Pinoy – sa isa pang kapana-panabik na vlog sa paglalakbay ngayong weekend sa kanyang opisyal na Channel sa YouTube. Ngayong Biyernes, Disyembre 16, namimili si Imee sa mga sikat […]
-
Kathryn, pinuri ang SMC sa ginawang pag-rescue sa mga naiwang aso sa Bulacan
BILANG isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project. “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” […]