30th FIBA Asia Cup 2021 qualifier 3rd window tagilid
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAMEMELIGRONG mapagpaliban ang 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Men’s Basketball Championship 2021 qualifier third window sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center at sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga sa Pebrero 15-23.
Ito ay bunsod sa natuklasang mabilis na nakakahawang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na unang nadiskubre sa United Kingdom at nagpakaba sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na siyang punong abala ng nalalapit na torneo.
Pinaiiral ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease ang travel ban sa maraming bansa na may kagayang kaso na rin sa UK.
Kabilang sa mga paparito para sa kompetisyon ang South Korea na dalawang ulit pang makakalaban ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball team at ang makakatuos sa isang laoro na Indonesia, ang host ng tournament proper sa Agosto 16-28 sa Jakarta.
Kinunan ng People’s BALITA ng reaksyon sina SBPI president Alfredo Panlilio at Renauld Barrios. Pero minabuti na lang muna hindi muna magkomento sa isyu. (REC)
-
At 81, gumawa ng history ang lifestyle guru: MARTHA STEWART, oldest cover model ng Sports Illustrated Swimsuit Issue
HUMATAW sa TV ratings ang pagsisimula ng groundbreaking live-action adaptation ng GMA na “Voltes V: Legacy!” Maliban diyan, kaliwa’t kanan din ang papuri ng diehard at new generation fans para sa megaserye! Marami ang humahanga hindi lang sa world-class visual effects nito kundi pati na rin sa mas pinalalim na kuwento ng bawat […]
-
Pahayag ukol sa transport strike: Factual, hindi red tagging -VP Duterte
NILINAW ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na ang kanyang mga sinabi ukol sa week-long transport strike bilang “communist-inspired” at isang “painful interference” ay pagsasabi lamang ng katotohanan at hindi red tagging. Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos na tuligsain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France […]
-
Gulo sa PWAI nasa AWF na
UMABOT na rin pala ang alingasngas sa Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF). Ito ay ang kawalang eleksiyon sa National Sport Association ng ‘Pinas sapul noong taong 2016 at basta na lang pinalitan ito ng bagong pangalan. Si PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. […]