• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

34 illegal na dayuhan, pina-deport

PINA-DEPORT ng Bureau off Immigration (BI) ang 34 illegal na dayuhan na unang naaresto sa Royal Corporation Xisheng IT, Lucky South 99 Outsourcing, at Royal Park.

 

 

Ang grupo ay nahaharap sa mga kasong undocumented, overstaying, working without proper visas or permits, at working for companies other than their petitioners.

 

 

Ang mga detinadong mga Chinese national ay dating nasa kustodiya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) facility matapos silang naaresto na illegal na nagtatrabaho sa gaming operations.

 

 

“This deportation is a testament to the Bureau’s resolve in enforcing our immigration laws. We will continue to pursue operations like this to protect the country’s sovereignty and uphold the dignity of those victimized by these schemes,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.

 

 

Ang mga pina-deport ay nasa listahan na rin ng BI blacklist at hindi na sila pinapayagan pang muling makapasok ng bansa. (Gene Adsuara )

Other News
  • Ads August 1, 2022

  • Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso

    Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city.     Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, […]

  • No extension sa December 31 deadline sa PUV consolidation – DOTr

    NANINDIGAN ang Department of Transportation (DOTr) na wala nang extension na gagawin ang pamahalaan hinggil sa December 31, 2023 deadline para sa consolidation o pagsasama-sama sa isang kumpanya o koope­ratiba ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa buong bansa.     Sinabi ni Transportation Undersecretary John Batan, tagapagsalita sa usapin ng PUV Modernization ng LTFRB,  hindi […]