350 sailors, marines nakiisa sa ‘ war fighting exercise’
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 350 Philippine Navy sailors at marines ang nakiisa sa war fighting exercise na kanilang tinawag na Exercise Pagbubuklod 2021 na isinagawa sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.
Sa nasabing Joint Amphibious Operation on land and at sea nagpakitang gilas ang ilang mga bagong assets ng Philippine Navy at Marines.
Layon ng nasabing ehersisyo ay para mapalakas pa ang interoperability ng mga sundalong navy at marines sa pagtugon sa anumang mga banta na kahaharapin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng bansa lalo na ang tinatawag nilang traditional at non-traditional threats.
Ayon kay Exercise Pagbubuklod 2021, director, Lt.Commander Ariel Constantino, nais nila na maging handa ang kanilang unit sa pagtugon sa mga banta lalo na sa terorismo at national security.
Highlight sa nasabing joint exercise ay ang isinagawang amphibious assault/raid, insertion/extraction, amphibious sealift, tactical sealift, force protection capability, support and sustainment, afloat command and control, Maritime Search and Rescue, shipboard helicopter operations (HELOPS), at casualty evacuation operation (CASEVAC).
“Dito po mate-test ang ating interoperability concept yung pagsasama, pagbubuklod ng mga fleet marine units combined ng sailors, dito po rin natin maba-validate yung ating tinatawag na doctrines ng bawat unit ng Philippine Navy. Ang isang purpose dito po nakita makita dito natin maa-adress yung traditional and non-traditional threats,” pahayag ni Lcdr. Constantino.
Lumahok din ang bagong warship o frigate ng navy ang BRP Jose Rizal partikular sa isinawagang Gunnery exercise, Maritime Interdiction Operation, Surface Action Group gaya ng Air Defense exercise, over the horizon targeting and search and attack Unit operations.
Sinabi ni Constantino malaking tulong sa kanilang kahandaan ang isinagawang joint exercise para mapataas ang kanilang performance para tuparin ang kanilang mandato.
Ang mga units,air, surface assets o barko na lumahok sa Exercise Pagbubuklod 2021 ay ang mga sumusunod:
Surface Assets:
· BRP Jose Rizal (FF150)
· BRP Bagobo (LC293)
· BRP Manobo (LC297)
· BB492, BA493 and BA494
PN Air Assets:
· BN Islander
· 1-AW109
NAVSOCOM:
· 1-VBSS Team
· 1-Sniper Team
· 1-EOD Team
· 1-OTB Team
PMC:
· 1-MBLT Coy/Pltn, FRC
-
PDU30, hindi madadamay sa Senate probe sa Pharmally – Roque
KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. “Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung […]
-
Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lumutang na alegasyon na isang espiya ng China ang nadismis na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. “Definitely DILG-PNP [Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police] should investigate these allegations,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos. Lumutang […]
-
Clinical trial ng Ivermectin, inutos ni Pdu30
Ikakasa ng Food and Drugs Administration (FDA) ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin at sleep-inducing drug na Melatonin upang mabatid ang pagiging epektibo ng mga ito laban sa COVID-19. Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos sa Department of Science and Technology (DOST) […]