• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

36 DAYUHAN, INARESTO SA ILLEGAL GAMBLING

ARESTADO  ang 36 banyaga sa isang malaking pagsalakay  sa illegal online gambling companya sa Double Dragon Plaza  Tower 3 sa Pasay City.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang bureau ng ulat hinggil sa mga dayuhan na nagtratrabaho  nang walang kaukulang permit sa lugar.

 

“We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” pahayag ni  Morente.

 

Napag-alaman na ang nasabing kumpanya ay walang otoridad na mag-operate at hindi nag-aplay ng lisensya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na isang kailangan para sa mga online gaming company upang makapag-operate sa bansa.

 

Ayon naman kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang nasabing kumpanya ay nadiskubreng sangkot sa illegal live studio gaming kung saan ang mga operatos at management  ay binubuo karamihan ng mga Korean national.

 

“Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations,” ayon kay  Manahan.

 

Ang mga naarestong dayuhan ay walang mga visa at mga dokumento.

 

“We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country,” ayon pa kay Manahan.

 

“However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally,” dagdag pa nito.

 

Kabilang sa mga naaresto ang 31 lalaki, 5 babae .

 

Dalawa sa kanila ang Chinese, 2 Indonesian at 32 ang Korean national.

 

Pansamantalang nakadetine sa   BI’s Warden Facility sa Bicutan, Taguig ang mga banyaga habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR.

 

Muli naming nagbabala si Morente sa mga illegal aliens na huwag panamantala sa pandemya para gumawa ng iligal na aktibidad sa bansa.

 

“We call on all foreigners to legalize your stay,” ayon sa opisyal.

 

“Do not take advantage of the pandemic, because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws,” babala pa ng BI Commissioner. (GENE ADSUARA)

Other News
  • City bus routes sa NCR, posibleng ibalik – DOTr

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na muling maibalik ang mga ruta ng mga city buses sa Metro Manila, kasunod na rin ito ng muling pagbubukas ng mga paaralan sa Agosto.     Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil,  inirekomenda ng ahensiya ang pagbabalik ng pre-pandemic city bus routes, na karamihan ay pumupunta sa university […]

  • Criminal gang member, kalaboso sa pagbebenta ng baril sa pulis

    SA kulungan ang bagsak ng 32-anyos na miyembro ng isang grupong kriminal nang pagbentahan ng hindi lisensiyadong baril ang pulis na nagpanggap pa buyer sa Valenzuela City.nnSinampahan ng pulisya ang suspek na si alyas “Weng”, ng Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at paglabag […]

  • 1k na newly-hired contact tracers, magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo- Usec.Malaya

    TINATAYANG 1,000 newly-hired contact tracers ang magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na mahigit sa 10,000 ang nag-apply bilang contact tracers kung saan mahigit 2,000 applications naman ang in-assessed ng DILG.   “Doon sa 5,754 […]