• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA

UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan  ang naturukan laban sa COVID-19.

 

 

 

Sa datos ng Department of Health, nasa  3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation  na nagsimula noong Biyernes

 

 

 

Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group sa walong ospital ngunit maaari pa umano itong madagdagan sa susunod na mga araw.

 

 

 

Paalala lamang ni  Health Usec Maria Rosario Vergeire, kailangan ang mga babakunahang kabataan ay may consent ang magulang o guardian at may clearance mula sa kanyang doktor

 

 

 

Ayon kay Vergeire, may report na apat ang  nakaranas ng adverse reaction ngunit kanila pang biniberipika.

 

 

 

Sinasabi naman ng mga eksperto nasa mataas ang benepisyong naibibigay ng bakuna kesa sa panganib  ng sinasabing adverse reactions.

 

 

 

Aniya, sasagutin ng gobyerno kung  makakaranas ng  adverse reaction ang mga kabataan matapos mabakunahan.

 

 

 

Bukod dito, may karagdagang insentibo kung naging seryoso ang adverse reaction.

 

 

 

Ayon kay Vergeire, merong Phihealth package para dito .

 

 

 

Sa kasalukuyan, mayroon nang 24.5 milyong Filipino ang fully vaccinated habang  28.3 milyon ang nakatanggap ng  first dose, ayon sa datos ng gobyerno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads September 14, 2023

  • 3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas […]

  • 2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela

    TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.       Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng […]