4.5-M Pinoys na nakapagbukas ng bank account gamit ang national ID
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 4.5 million ang bilang ng mga Pinoy na nakapagbukas ng “bank account” gamit ang national ID.
Malaking tulong aniya ang national ID upang tugunan ang financial inclusion lalo na sa mga low-income households.
Sa report na natanggap ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng LandBank of the Philippines na nasa 4.47 million katao ang naisali sa formal banking system sa unang first semester.
Sa nasabing bilang, 27 percent o 1.23 million ang may access sa online digital payments at iba pang transactions lalong lalo na sa Visayas at Central Luzon.
Nananatili pa rin na target ng pamahalaan na makapagrehistro sa national ID system ang 70 million populasyon sa bansa.
Napag-alaman na ang kada individual na makapagrehistro sa step two national ID ay maaari nang makapag-open ng bank account “on the spot” sa LandBank at sa lahat ng available sites.
Maaaring gamitin din ng mga may-ari ng National ID ay upang mag-withdraw ng cash, mamili online at magsagawa ng iba pang mga cashless na transaksyon, pati na rin makatanggap ng anumang subsidiya sa gobyerno sa pamamagitan ng digital.
-
NAKATANGGAP ng plaque of recognition, cash prizes, at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants
NAKATANGGAP ng plaque of recognition, cash prizes, at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa isa sa kanilang mga miyembro ng pamilya mula Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda, bilang bahagi ng 118th Navotas Day […]
-
‘8 billionth baby’, isinilang sa Maynila
ISINILANG noong Novikinokonsiderang “symbolic 8 billionth person in the world” sa Dr. Jose 15, Martes ang isang sanggol na babae na Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila ala-1:29 ng madaling araw nitong Martes. Ang sanggol na iniluwal sa pamamagitan ng normal delivery ng 26-anyos na si Maria Margarita ng Tondo, Maynila ay […]
-
Navotas sasali sa pilot study ng face-to-face classes
NAGPAHAYAG ng intesyon ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagsali nito sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa November 15, 2021. Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes. […]