• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 biktima ng “palit-ulo scam” sa Valenzuela, tumanggap ng tig P1-milyon

INIHAYAG ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na matapos ang pitong buwan mula noong unang nasiwalat ang “Palit-Ulo Scam”, nagkaroon na ng dayalogo at maayos na resolusyon sa pagitan ng Ace Medical Center at apat na biktima.

 

 

 

Bukod dito, nagpaabot din ang Ace Medical Center ng tulong pinansyal na tig P1 miylong sa mga biktima para mabigyan ng “closure” ang tinatawag na “palit-ulo scam.”

 

 

“I very much welcome the assistance na ibinigay ng ACE Medical Hospital sa ating mga biktima. Ang financial assistance na ibinigay nila last Friday para magkaroon na rin po ng closure ang ating imbestigasyon paukol sa scam,” ayon kay Mayor WES.

 

 

Noong Abril, sinabi ng lokal na pamahalaan na ang mga kasong illegal detention ay isinampa laban sa naturang hospital.

 

 

Sinabi ng isang complainant na si Lovery Magtangob, na dinala sa ospital ang kanyang hipag nang makaranas siya ng pagsusuka at hirap sa paghinga noong Pebrero 22. Namatay umano ang pasyente dahil sa thyroid storm at ilang komplikasyon matapos ma-admit sa ospital at intensive care unit (ICU) sa loob ng apat na araw.

 

 

Dahil sa hindi pa settled bill ang kanilang bill noon na nagkakahalaga ng P777,378, sinabi ni Magtangob na pinigilan siya ng isang security guard na lumabas ng ospital.

 

 

Ang isa pang nagrereklamo na si Richel Mae Pepito Alvaro, ay nagsabing pinigilan din siyang lumabas ng ospital, kahit para bumili ng pagkain, matapos mabigong bayaran ang mga bayarin sa medikal ng kanyang namatay na asawa na nagkakahalaga ng P518,519.

 

 

“It’s been seven months na ang ating mga biktima ay nagdadaan ng psychological, emotional anguish, and anxiety po at hindi naging madali itong seven months para sa ating mga biktima at sa ating mga kababayan. Marami po silang pinagdaanan,” ayon pa kay Gatchalian.

 

 

Sa pagbanggit sa ordinansa ng lungsod sa anti-hospital detention ordinance, pinaalalahanan din niya ang mga pribadong ospital sa Valenzuela City na igalang ang karapatang pantao ng mga pasyente, lalo na ang mga mahihirap, na umaabot sa kanila para sa medikal na atensyon.

 

 

Sa tulong pinansyal na ibinigay, sinabi ni Valenzuela City councilor Atty. Bimbo Dela Cruz na “malayang” nagpasya ang apat na biktima na bawiin ang kanilang mga reklamo laban sa pribadong ospital.

 

 

“Naayos na ho ang relasyon ng ACE Medical Hospital sa city hall. Naayos na rin ho ang relasyon nila sa apat na biktima natin. Kaya ho ‘yung apat natin na biktima, malaya at kusang loob silang umatras sa mga kaso na finile namin sa PhilHealth, DOH, Commission on Human Rights, sa piskalya,” ayon kay Dela Cruz.

 

 

Nang tanungin kung ang tulong pinansyal ay maituturing na “amicable settlement” sa pagitan ng dalawang partido, sinabi ni Dela Cruz na higit pa itong “regalo” sa mga biktima ngayong holiday season. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinusuan ng netizens at celebrity friends: ANGELICA, proud na binalandra ang kanyang baby bump

    BINALANDRA na ni Angelica Panganiban ang kanyang baby bump sa latest post niya sa social media.     Nasa beach si Angelica kasama ang kanyang baby daddy na si Gregg Homan sa naturang photo na may caption na “Baby Moon”.     Pinusuan ng maraming netizen ang pinost na ito ng aktres kabilang na ang […]

  • Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.2% noong Q3 —PSA

    LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.2% sa third quarter ng taon , mas mababa kaysa sa 6.4% na naitala sa nakalipas na quarter.   Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ito ang nagdala sa average gross domestic product growth para sa unang three quarters ng 2024 sa 5.8% na bahagyang mababa sa target […]

  • Final 12 ng Gilas Pilipinas na haharap sa New Zealand iaanunsiyo

    ILALABAS na ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang final 12 na mga manlalaro na isasabak sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2023 qualifiers.     Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na nitong Martes ay nagkaroon ng exhibition game ang Gilas mula sa isang koponan sa PBA na ginanap sa kanilang training academy sa […]