4 drug personalities timbog sa Caloocan at Valenzuela
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto ng pulisya sa buy bust opration at isang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.
Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces ng buy bust operation sa Beside Shell Gasoline Station sa 10th Avenue, Brgy. 62, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lester Tanaleon, 24 ng C. Namie St. 2nd Aveune Brgy. 38, at Michelle Mendoza, 25, ng Quezon city.
Narekober sa mga suspek ang nasa 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P81,600 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at anim na pirasong P1,000 boodle money at coin purse.
Sa Valenzuela, arestado nina PSSg Gilbert Orellanoat PSSg Richard Cruz ang dalawang construction worker na si Melvin Evangelista, 29, at Lord Erwin Demillo, 25, matapos tangkain takasan habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Gulod St., Brgy. Bignay dakong 7:50 ng gabi.
Ani SDEU investigator PSSg Carlos Erasquin Jr., nakuha ni PSSg Cruz kay Evangelista ang isang smartphone na naglalaman ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, cigarette box na naglalaman ng 7 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P240 cash at ang motorsiklo habang narekober naman ni PSSg Orellano kay Demillo ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu at isang cellphone.
Napagalaman din ng pulisya na walang driver license si Evangelista habang nagmamaneho ng motorsiklo at inisyuhan din sila ng Ordinace Violation Receipt dahil sa paglabag sa quarantine curfew. (Richard Mesa)
-
90% ng 4Ps beneficiaries ‘below poverty’ pa rin kahit 7-13 taon na sa programa — COA
HINDI umangat sa laylayan ang karamihan ng pinakamahihirap na Pilipinong nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program — ito kahit higit P537 bilyon na ang nagastos dito at lampas isang dekada nang benepisyaryo ang ilan sa kanila. Ito ang ibinahagi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2022 follow-up sa performance audit ng 4Ps […]
-
DOT sa mga awtoridad, tugunan ang “excess tourist arrivals” sa Boracay
NAGPASAKLOLO na ang Department of Tourism (DOT) sa government authorities matapos na mabigo ang Boracay local government na kontrolin ang bilang ng mga turista. Lumampas na kasi ang bilang sa kapasidad na dapat lamang sa itinakda sa Boracay sa panahon ng Semana Santa. Sa isang kalatas, sinabi ng DOT na ipinagbigay-alam […]
-
Pinsala ni bagyong Odette sa Agri sector , malapit ng pumalo sa P13 bilyong piso —DA
MALAPIT nang pumalo sa P13 bilyong piso ang pinsala sa agriculture sector dahil sa naging pananalasa ng bagong Odette. Ayon sa pinakabagong tally na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA), ang “damage and losses” dahil sa kalamidad ay P12.7 bilyon “as of January 12, 2022.” Labis na naapektuhan ng bagyo ang […]